6,311 guests

Abu in KFR collared in Zambo

  • Written by Jun I. Legaspi
  • Published in Metro
  • Read: 106

NADAKIP ng police  ang isang pinaghihinalaang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG)  na sangkot sa kidnapping for ransom (KFR) sa operasyon sa Bgy. Cawit, Zamboanga City, kahapon.

Kinilala ni Supt. Rogelio Alabata, spokesman ng Police Regional Office (PRO) 9, ang suspek na si Faizal Jaafar, alyas “Jaafar Mundi, Abu Jaafar, Aren, Ben at Abu Raba.”
   
Naaresto ang suspek alas-12:30 sa bisa ng search warrant sa kasong 87 counts ng kidnapping and serious illegal detention kaugnay ng pagka-kasangkot sa Sipadan kidnapping noong 2001.
   
Bukod dito ay sangkot din ang suspek sa kasong murder kaugnay ng paghahasik ng terorismo ng mga bandido.
   
Isinagawa ang operas-yon sa bisa ng warrant na inisyu nina Judge Danilo Bucoy ng Regional Trial Court (RTC) ng Isabela City at Judge Chito Meregillano ng RTC 4 Branch 51 ng Puerto Princesa City.