7,883 guests

Sharon, nagbanta sa gumawa ng ‘Oro’

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 668
Sharon Cuneta Sharon Cuneta

Lalong pinaniwalaang ang Pinulot Ka Lang Sa Lupa ang show na binanggit ni Ara Mina na hindi siya nirespeto dahil sa sagot nitong “Wala pong prob-lema sa movie na My Ex and Whys. I’m not talking about that po,” sa nagtanong kung sa Star Cinema movie ba siya nagkaproblema.

Parang bago lang nangyari itong kay Ara at sa production ng Pinulot Ka Lang Sa Lupa dahil dumalo pa siya sa Christmas party ng show at ipinaalala sa followers niya sa  IG na this January na ang airing nila.

Ang balita, kundi January 16 ay Jan. 23 ang pilot ng nagiging controversial Afternoon Prime ng GMA-7.

Ang hindi lang maganda, idinadamay sa isyu ang mga walang kinalaman. Gaya ni Julie Anne San Jose na siya raw rason ng problema ni Ara. Ano naman ang konek ni Julie sa isyu ni Ara, eh, pareho lang silang artista?

Sana, kahit matuloy ang pagku-quit ni Ara sa Pinulot Ka Lang Sa Lupa, maging maayos ang kanyang pag-alis para walang samaan ng loob.

* * *

Nakabalik na ng bansa sina Sharon Cuneta at ang pamilya nito mula sa kanilang Japan vacation. Back to work na si Mega at kahapon, guest siya sa ASAP at nag-celebrate ng kanyang birthday.
      
Hinihintay na ng fans nila ni Gabby Concepcion ang simula ng shooting ng kanilang pelikula sa Star Cinema dahil nabanggit dati ni Sharon na this January sisimulan ni Director Cathy Garcia-Molina ang shooting.
   
Kahit nasa Japan, updated pa rin si Sharon sa controversy ng Oro at nag-post ito sa FB ng “I SHALL NEVER GET OVER THIS. I will research the names of those involved in the making of this movie and will NEVER forget them.”
   
Dog lovers si Sharon at ang pamilya nito kaya apektado ito sa pinatay na aso sa Oro. Ibig sabihin ni Sharon, hindi siya papayag na makatrabaho si Direk Alvin Yapan.

* * *

Maganda ang pilot episode ng Meant To Be na napanood namin sa special screening. Lumabas agad sina Barbie Forteza, Jak Roberto, Ivan Dorschner, Addy Raj at Ken Chan na gusto ng viewers.
   
Pati sina Manilyn Reynes, Tina Paner, Sef Cadayona, Mika dela Cruz at Keempee de Leon, lumabas agad. Gusto namin ang location ng rom-com series na bago sa paningin namin at hindi ’yung dating ginagamit na location  ng GMA-7.
   
Sabi ni Direk LA Madridejos, inspired sa Meteor Garden ang Meant To Be  at dahil given ng si Ken Chan ang ala-Dao Ming Si, hulaan n’yo na lang kung sino kina Jak, Addy at Ivan sina Vic Zhou, Ken Chu at Vaness Wu na member ng F4 dati.
   
Present ang main cast ng Meant To Be sa special screening at nagkaroon ng kantyawan ang boys lalo na sa eksenang naghubad sila. In fairness, lumaban si Ken at sumabay maghubad sa tatlo, pero aminado itong malayo pa ang hahabulin niya para magkaroon ng abs at ma-ging mas fit.
     
Itinanggi pala ni Ken ang akusasyon ng fans nina Jak, Addy at Ivan na binaba-kuran niya si Barbie para hindi malapitan ng tatlo at para hindi maging close sa tatlo.
     
Mas close lang sila ni Barbie dahil mas nauna silang maging friends, pero hindi niya ito mapipigilan kung gustuhing makipag-close kina Ivan. Nasalisihan nga siya ni Addy na kahit 3 a.m., tini-text si Barbie.
   
May paliwanag din si Ken kung bakit may picture si Barbie with the boys na hinid siya kasama at may picture ang tatlo na wala siya. That time, bumibili raw siya ng kape para kay Barbie.

* * *

Nire-relate ng fans ni Megan Young ang karakter niyang si Sarri sa Alyas Robin Hood  sa totoo niyang buhay. Sa action series, loyal si Sarri (Megan) kay Pepe (Dingdong Dantes). Sa totoong buhay, mula nang maging sila ni Mikael Daez, walang na-link na iba si Megan at napaka-low profile ng dalawa.
   
Kahit sa birthday greetings ni Megan kay Mikael, simple, walang “I love you” at sabi lang “You have a contagious personality and it’s great because you have helped the people you care about dearly become better versions of themselves. Continue to live life to the fullest. To more adventures! Happy birthday, Miki Dee.”
   
Samantala, Monday sa Alyas Robin Hood,  iba na ang kilos nina Sarri at Venus (Andrea Torres), sobrang in-love si Sarri kay Dean (Sid Lucero) at mas violent naman si Venus.
   
Kaya malabo ang gusto ni Pepe (Dingdong Dantes) na balikan si Sarri dahil iba na ang mahal nito. Matutunugan ni Dean ang planong makipagkita si Julian (Dave Bornea) sa amang si Romulo (Toby Alejar) at pasusundan niya ito.