6,833 guests

Changed

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 545

Sexy/erotic movies, yari kay Mocha!

PATAY ang mga sexy/erotic movie kay Mocha Uson! Isa kasi siya sa mga bagong appoint na board member ng MTRCB kasama ang isang lawyer, ayon sa news reports kahapon.

Changed singer/performer na raw si Mocha ngayon. 

Tapos na ang chapter ng buhay niya sa stage na sexy ang suot na damit, naglalandi sa lalaking customers mula noong sumuporta siya sa kampanya ni President Digong Duterte.

Dagsa man ang tumutuligsa sa binabanatan niyang kalaban ni P-Digong, hindi siya naandap sa gusto niyang sabihin sa blog site niya.
   
Tutal naman, wala pang restrictions na ibinibigay sa kanya ang administration at sa Presidente kaya hala bira lang si Mocha!
   
Nitong filmfest, tinalaga rin siya bilang ambassadress ng MMFF. Umani rin siya ng batikos.
   
Look what she earned? Isang posisyon sa MTRCB na affiliated pa rin sa showbiz, huh!
   
Mas may power pa nga si Mocha sa bagong posisyon niya.

* * *

PAGTATAPUSIN muna ni Mayor Herbert Bautista ang anak na si Race kay Eloisa Matias bago payagang pasukin ang showbiz.
   
Bumalik sa bansa si Race nitong holidays galing sa pag-aaral ng filmmaking sa New York Film Academy.  Dala-dala niya ang honors na natanggap sa unang taon ng pag-aaral niya nang gawin ang thesis film na Like Father, Like Son sa 12 international festivals at nagbigay sa kanya ng anim na best short film qualifications at gold award winner bilang best short film sa NYC Indie Film Awards.
   
Si Race mismo ang nagsulat, nag-direct, nag-edit at nag-score sa Like Father, Like Son.
   
Bago umalis kahapon, nagkaroon ng despedida ang binata sa mga dating kaibigan sa Via Mare kung saan present din ang kanyang mga magulang.
   
Nagpaunlak din siya ng interview sa CNN Philippines bago pumunta sa airport pabalik ng New York.
   
“Ever since I was a kid, there was something in story-telling that interested me and, you know, really captivated that in my opinion, story-telling, if you can make it right, is the most immersive thing that you could go through. It has been lingering in my head that I have a story to tell.
   
“When it comes to filmmaking in a general sense, you don’t have to really be a big fan like of critically-acclaimed movies, enjoy movies,” sagot ni Race sa tanong kung anong excitement ang nakukuha niya sa paggawa ng indie films.
   
Wala raw restrictions ang indie films kumpara sa mainstream. Hindi pera ang unang layunin ng paggawa ng nasabing klase ng film kundi ang makagawa ng history.
   
Natanong din sa kanya ’yung eksena sa Oro na kinatay ang aso. Napanood daw niya ang movie.
   
“I am a dog lover and that was disturbing for me. It was a good film but I do believe that killing a dog was so unnecessary,” bahagi ng sagot ni Race.
   
Gaya ng isang ina na mawawalay sa panganay na anak, panay ang post ng reminders ni Eloisa sa anak only to realize na binata na siya’t kinayang alagaan ang sarili sa ibang bansa.
   
Bukod kay Race, ang isa pang anak ni Mayor HB na umaakting naman ay si Harvey Bautista na nasa cast ng horror movie na Ilawod.

* * *

NASAID man ang luha ni Lovi Poe dahil sa kakaiyak sa maraming episodes ng Someone to Watch Over Me nila ni Tom Rodriguez, natutuwa naman siya sa magagandang feedback na natatanggap sa magandang kuwento at performance niya sa programa.
   
Bigayan din kasi sila ni Tom sa lahat ng eksena kahit na nga ’yung maiinit na eksenang pinagselosan ni Carla Abellana, huh!
   
So, after ng tearjerker na STWOM, isang light drama ang kapalit nito, ang Meant to Be ni Barbie Forteza, na as we all know, makikipagharutan sa apat na leading men, huh!