4,816 guests

‘Die Beautiful’ top grosser sa Metro Manila, ‘VKJ’ nanguna sa probinsya

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 444

Pakikipagbalikan kay Kris, dinenay ni Mayor Bistek

Nag-release na ng ranking ang Metro Manila Film Festival (MMFF) ng entries na ipinalabas mula Dec. 25, 2016 to Jan 3, 2017. 

Base sa e-mail na ipinadala ng MMFF publicist na si Noel Ferrer, nanguna sa Metro Manila ang Die Beautiful habang sa probinsiya naman ay no. 1 ang Vince and Kath and James.
   
“Sa actual gross ng festival, hindi naman target ng MMFF 2016 na higitan ang kita noong isang taon. Alam naman nating nagkaroon nga ng pagbabago at kasama roon ang demokratisasyon ng kita ng MMFF.
   
“Ibig sabihin, sa halip na mapunta ang malaking percentage ng earnings sa iilang malalaking kumpanya lamang, kumikita rin ngayon ang mas nakararaming maliliit na producers -- (dahil maliliit lang naman ang budget  kumpara sa dati ng karamihang produksyon) -- sapat para makagawa ulit ng makabuluhang pelikula. Kung ’di dahil sa filmfest, malabong kumita ang maliliit na produksyon nang may masayang tubo/profit pa -- simula pa lang ito.”
   
Sinabi pa niya na, “Kahit sa gitna ng isyu sa Oro, prinsipyo ang pinag-uusapan, hindi iskandalo. Sa huli’t huli, hindi mapapantayan ang mga palakpak pagkatapos ng magandang palabas at ang matinding kahilingan na panatilihin o ibalik sa sinehan ang magagandang pelikulang karapat-dapat nating suportahan.
   
“MABUHAY ANG PELIKULANG PILIPINO! MARAMING SALAMAT SA INYONG LAHAT! ITULOY NATIN ANG MAGANDA AT MABUTING PAGBABAGO! #MMFF2016,” dagdag pa ni Noel.
   
Narito ang kumpletong rankings ng eight official entries from Dec. 25 to Jan. 3: Metro Manila: 1. Die Beautiful; 2. Seklusyon; 3. Vince and Kath and James; 4. Saving Sally; 5. Ang Babae sa Septic Tank 2; 6. Sunday Beauty Queen; 7. Oro at 8. Kabisera;
   
Provincial: 1. Vince and Kath and James; 2. Seklusyon; 3. Die Beautiful; 4. Ang Babae sa Septic Tank 2; 5. Saving Sally; 6. Sunday Beauty Queen; 7. Oro at 8. Kabisera.

* * *

Sa latest interview ni Quezon City Mayor Herbert Bautista sa ilang entertainment press, itinanggi niya na nagkabalikan sila ni Kris Aquino.
   
Namataan kasi recently sina Kris at Mayor Bistek sa isang restaurant at inamin naman niya ito, pero ito raw ay dahil humingi ng tulong ang TV host-actress hinggil sa business permit.
   
“Hindi kami nagkabalikan, hindi, hindi,”  pahayag ni Bistek sa press, “hindi kasi, I think, humihingi siya ng tulong tungkol sa kanyang business permit dito sa bagong itinayo niyang company for social media. So, sabi ko, sige. So, nag-meeting kami.”
   
Matatandaang may bagong itinatag na kumpanya si Kris, ang KrisTV Corp. with APT Productions para sa kanyang Kris Aquino Digital sa Facebook.
   
Say pa ni Bistek, okay sila ni Kris at friends naman daw sila.
   
In fact, updated si Mayor Bistek sa nangyayari sa buhay ni Kris dahil alam niyang kagagaling lang nito sa US para magpa-check-up.
   
Masaya rin si Mayor Bistek na okay naman ang health ni Kris base sa check-up niya sa US.