4,631 guests

MMFF, ‘di pa tapos ang ingay

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 440
Pia Wurtzbach Pia Wurtzbach

KUNG ingay ang pag-uusapan, malakas ang hatid ng ika-42nd Metro Manila Film Festival na dapat officially nagtapos last Tuesday, January 3 pero na-extend pa sa ilang sinehan (Metro Manila and provincial theaters)ang ibang pelikulang kalahok.

In a way, masaya pa rin ang pamunuan ng MMFF dahil kumita sa takilya ang mga more than half of the entries although malayung-malayo sa gross income ng mga pelikula nina Vice Ganda at Vic Sotto.

Maliit lang din kasi ang budget ng mga entries kaya madali nilang nabawi ang puhunan ng mga producer, except for other entries tulad ng “Kabisera” at “Oro” na hindi na nga kumita, punumpuno pa ng kontrobersiya sa simula pa lamang ng filming ng pelikula hanggang sa showing at pagpu-pull out nito sa mga sinehan.

In any case, tiyak na may mga pros and cons effect `yon.

Samantala, naglalaban pa rin sa No. 1 & No. 2 slot ang “Die Beautiful” ni Paolo Ballesteros na dinirek ni Jun Lana for Idea First Company and Regal Films at ang entry ng Star Cinema na “Vince & Kath & James” at mukhang pumapangatlo naman ang “Seklusyon” ni Direk Erik Matti ng Reality Entertainment.  Hindi naman naka-sustain ang pelikulang pinagbibidahan ni Eugene Domingo na “Ang Babae sa Septic Tank 2” na dinirek ni Marlon Rivera for Quantum Films.  Nakakatuwa naman ang naging performance ng “Saving Sally” nina Rhian Ramos at Enzo Marcos ganoon din  ng docu movie na “Sunday Beauty Queen” ni Direk Babyruth Villarama.

Since na-extend in some theaters ang MMFF up to this Saturday, January 7, malalaman na by Sunday ang over-all gross at standing ng 2016 MMFF.
  
PANGULONG DIGONG, BIBISITAHIN NG MGA MISS U CANDIDATES

NAGBIGAY ng instruction si Pangulong Rodrigo Duterte na mag-cooperate ang lahat ng government agencies na kakailanganin para sa tagumpay ng ika-65th Miss Universe Pageant na dito sa Pilipinas gaganapin sa ikatlong pagkakataon. Pero muli niyang in-emphasize na walang gagastusin ang pamahalaan na inako ng private sector sa pangunguna ng businessman-politician na si Chavit Singson.
   
Nakatakdang mag-courtesy call kay Pangulong Digong ang lahat ng mga kandidata sa Miss Universe sa Malacañang on January 23.
   
Iba’t ibang magagandang lugar ng Pilipinas ang pupuntahan ng mga kandidata at kasama na rito ang Boracay, Baguio, Batangas, Cebu, Davao at Vigan.
   
Isang fashion show ang gaganapin sa dinarayong Heritage Park ng Vigan on January 15 na susundan ng Governor’s Ball (welcome party) sa SMX on January 16.
   
Manalo’t matalo ang ibang kandidata, tiyak na magiging memorable pa rin ang kanilang magiging experience in the Philippines dahil sa warm welcome sa kanila at sa iba’t ibang lugar na kanilang pupuntahan.
   
Sina Lea Salonga, Sarah Geronimo, Bamboo at Jed Madela ang mga local performers na naimbitahang mag-perform pero hindi pa nire-reveal ang foreign act na magtatanghal sa araw mismo ng coronation day na gaganapin sa SM MOA Arena on January 30.
   
Si Maxine Medina ang kinatawan ng Pilipinas sa 2016 Miss Universe.

VHONG, MAY SEQUEL AGAD ANG ‘MANG KEPWENG’

KAHIT nagsimula pa lamang last Wednesday, January 4 ang showing ng “Mang Kepweng Returns” ni Vhong Navarro na dinirek ni GB Sampedro under Cineko Productions, ipinahayag ng mga bagong producers na magkakaroon umano ng sequel ang “Mang Kepweng Returns” na “Mang Kepweng’s Adventures” or “The Adventures of Mang Kepweng” na pagbibidahan pa rin ni  Vhong.
   
Although hindi pa tapos ang run ng “Mang Kepweng Returns,” masaya ang producers ng Cineko Productions sa magandang resulta sa takilya ng pelikula kaya nagdesisyon ang producers na  bigyan ng follow-up project ang alaga ni Direk Chito Roño na si Vhong.
   
Since hindi nagkaroon ng premiere night ang “Mang Kepweng Returns” bago ang showing ng pelikula dahil sa ongoing Metro Manila Film Festival, nagbigay na lamang ng post-press preview kahapon, Thursday afternoon na ginanap sa Trinoma Cinema 1 in Quezon City.

PIA FROM ABS-CBN TO HOLLYWOOD

SA loob ng isang taong termino ng outgoing Miss Universe na si Pia Wurtzbach, dalawang famous male celebrities ang na-link sa kanya, una ang Russian-born at New York-based resident doctor na si Dr. Mikhail Varshavski, ang tinaguriang “Sexiest Doctor Alive” ng People Magazine at ngayon naman ang Filipino-Swiss racer na si Marlon Stockinger.  Sa dalawa, mukhang boyfriend na ni Pia si Marlon na kanyang nakasama during the holidays in Hawaii.
   
On January 30 ay ipapasa na ni Pia ang kanyang korona sa susunod na tatanghaling bagong Miss Universe at haharapin naman niya ang napakaraming offers at kasama na rito ang isang Hollywood movie.
   
Isa rin si Pia sa mga naging Miss Universe na well-loved ng Miss Universe Organization.
   
Samantala, since hindi nagmarka ang pagpasok noon sa showbiz ni Pia, balikan pa rin niya kaya ang kanyang naudlot na showbiz career sa  Kapamilya Network?

JULIA, ’DI MATUTULOY SA GERMANY

DAPAT sana ay ngayong Enero balak ni Julia Montes magtungo ng Germany para dalawin ang biological dad at pamilya nito doon sa pag-aakalang magtatapos na sa ere ang kanyang top-rating afternoon soap na “Doble Kara.” Pero ito’y na-extend hanggang April this year na isa ring magandang balita hindi lamang para kay Julia and the cast kundi laluna sa mga televiewers na patuloy na sumusubaybay sa panghapong serye. Most likely ay baka sa Holy Week na makapunta ng Germany si Julia.
   
Isama kaya niya ang kanyang rumored boyfriend na si Coco Martin?

SHARON CELEBRATES

HAPPY birthday today (January 6) to Megastar Sharon Cuneta.