5,469 guests

‘Adik’ na nag-amok todas sa Biñan police

  • Written by Gil Aman
  • Published in Provincial
  • Read: 336

Patay ang isang lalaking hinihinalang drug addict nang umano’y nag-amok makaraang barilin ng miyembro ng Biñan police nang magtangkang pumasok sa RCBC office sa Bgy. Poblacion, San Pedro City, kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ni Supt. Harold Depositar, hepe ng San Pedro City police, kinilala ang nasawi na si Sharief Amatonding,  tubong Marawi City at kasalukuyang nakatira sa Bgy. Bolanti, Pasig City.

Agad binawian ng buhay ang biktima dahil sa tatlong tama ng bala sa katawan matapos paputukan ng mga pulis.

Base sa imbestigasyon, alas-12:15 ng madaling araw nang mag-check-in ang biktima at kabiyak nitong si Amerah Potino, 28, sa Margelou Drive Inn Hotel, na tumagal sa loob ng halos mahigit na 11 oras.

Subalit bandang 1:45 ng hapon, biglang nakarinig ang room boy ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng biktima at ang kabiyak nito sa loob ng kanilang kuwarto.

Makalipas ang mahi-git na kalahating oras nang tumakas ang biktima sa pamamagitan ng pagdaan nito sa bintana ng kuwarto at iniwan ang kanyang kabiyak na lango sa droga.
   
Dahil dito, tatlo sa nakatalagang guwardiya ng bangko ang agarang humingi ng tulong sa mobile patrol ng Biñan police para pasukuin ang bangag sa droga na suspek.
   
Makalipas ang mahigit na 15 minuto, nang-agaw umano ng baril ang suspek kaya pinutukan nila ito.
   
Naaresto ng pulisya ang kabiyak ng biktima makaraan ang insidente at nakumpiska nito ang hindi pa mabatid na gramo ng shabu at drug paraphernalia.