5,153 guests

Full load

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 541

Kris at mga anak, sa abroad magpa-Pasko

Dagsa ng trabaho sa 2017, pinaghahandaan ng TV host-actress

GOODBYE, ’Pinas si Kris Aquino today kasama ang mga anak na sina Joshua at Bimby. 

Sa abroad ang destinasyon nilang mag-iina, pero wala siyang binanggit na lugar sa kanyang Instagram account.

Ang kalusugan ang main reason ng biyahe ni Kris.
   
Kaya wala siya sa bansa ngayong Pasko at naiintindihan naman daw ng mga kapatid niya at kamag-anak.
   
Pinaghahandaan kasi ni Kris ang simula ng 2017 na fully-loaded ang schedule niya.
   
Alam niyang nami-miss siya ng fans niya na sa Facebook live ay sinusundan siya kahit walang TV show.
   
Eh, in good hands naman siya sa bago niyang management team na Triple A.
   
Kung si Maine Mendoza nga na baguhan at walang experience sa showbiz, hayun, namayagpag at non-stop ang trabaho, si Kris pa kaya na sikat pa rin?

* * *

“KABITAN” sa hapon ang tawag ngayon sa GMA afternoon drama na Ika-6 na Utos.
   
Bida rito sina Gabby Concepcion, Sunshine Dizon at Ryza Cenon.
   
Kinabubuwisitan nila ang character ni Ryza habang inaakit si Gabby.   Ibig sabihin ay epektib ang portrayal niya, huh!
   
Sa totoo lang, ngayon pa lang kami nakarinig ng TV series na pinag-uusapan si Ryza, huh! Sa tagal niya sa showbiz, ngayon lang siya nabigyan ng maganda-gandang break na markado.      
   
Ang bongga sa Kapuso actress, aba, wala siyang pakundangan kung magpaseksi.
   
Dapat nang mag-alala si LJ Reyes, kasabayan niya sa StarStruck, ngayong palaban na si Ryza. huh!