6,031 guests

Navidad 2016 ng Cavite City

  • Written by Dennis Caparas Abrina
  • Published in Provincial
  • Read: 229

Binuksan kahapon ng Cavite City Tourism Council, sa pangunguna ni Konsehal Ian Barron, ang Navidad 2016, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Kapaskuhan sa lungsod.

Ipinakita ng mga kalahok sa Pasiklaban ng Bangenge (malalaking tau-tauhan gawa sa paper mache) at ipinarada ang mga kalahok na kuneho at magagarang parol na gawa sa recyclable materials.
   
Ipinatikim din ang pamosong tamales ng lungsod sa Tamales fiesta na ginanap sa Ladislaw Diwa Elementary School dito.