7,609 guests

Kasalan sa showbiz, sunud-sunod

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 725
Jean Garcia & Jomari  Yllana Jean Garcia & Jomari Yllana

MAGKASUNOD na araw lamang ang kasal nina Paul Jake Castillo at Kaye Abad nung December 9 na ginanap sa Cebu at kinabukasan, December 10 ang kasal nina Rosanna Roces at Blessy Arias na ginanap naman sa Antipolo City.

Sa San Pedro Calungsod Chapel in Cebu City ginanap ang kasal ng ex-PBB housemate na si Paul Jake at Kapamilya actress na si Kaye habang sina Rosanna at Blessy naman ay ikinasal sa Alexa’s Garden sa Antipolo City.

Malamang na ceremonial wedding lamang ang naganap na kasalan kina Osang (Rosanna) at Blessy dahil hindi pa recognized ang same sex marriage sa Pilipinas. Prior to this, ikinasal na rin ang dalawa sa Canada last September kung saan tanggap ang same sex marriages.

Sina Nora Aunor at Direk Adolf Felix ang dalawa sa mga tumayong principal sponsors sa kasal nina Osang at Blessy last Saturday na dinaluhan din ng ilan pa nilang mga kaibigan including Butch Francisco na isang malapit na kaibigan ni Osang.
   
Sa January 1, 2017 naman nakatakdang ikasal ang bunsong anak ni Vic Sotto na si Paulina Sotto sa fiancé nitong si Jed Llanes.
   
Next year  din nakatakdang ikasal (sa ikalawang pagkakataon) ang actress-TV host na si Camille Prats sa kanyang fiancé na si VJ Yambot na gaganapin sa Nayomi Resort in Batangas na pag-aari ng pamilya Prats.  Doon din ikinasal  noong isang taon ang mag-asawang John Prats at Isabel Oli.
   
Taong 2017 din nakatakdang ikasal ang engaged couple na sina Arthur Solinap at Rochelle Pangilinan ganoon din ang isa pang engaged couple na sina Luis Alandy at Joselle Fernandez.
   
For sure, there will be more weddings to come in 2017.

RELASYONG JEAN AT JOMARI, AYAW KUMPIRMAHIN

HANGGANG ngayon ay ayaw pa rin kumpirmahin nina Jean Garcia at Jomari Yllana ang napapabalita nilang relasyon.
   
Ayon kay Jean, close na magkaibigan lamang daw umano sila ng ex-husband ni Aiko Melendez pero iba ang obserbasyon sa kanila ng mga taong nakakakita sa kanilang dalawa.
 
Wala naman sigurong magiging sagabal sakaling silang dalawa ang magkaroon ng relasyon dahil pareho naman silang single ngayon.
   
Samantala, nananatiling close na magkaibigan sina Jomari at ex-wife nitong si Aiko Melendez dahil na rin siguro sa kanyang kaisa-isang anak na si Andre na pumasok na rin sa showbiz.

TV SERIES NINA ALDEN AT MAINE, TULOY NA

MATUTULOY na early next year ang teleserye na pagtatambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza na pinamagatang “Destined To  Be Yours”.  Ito ang dahilan kung bakit hindi matanggap ni Alden ang local TV adaptation ng “My Love from the Star” na pagtatambalan sana nila ni Jennylyn Mercado.
   
Humihirit na rin ang mga fans nina Alden at Maine ng follow-up movie sa kanilang hit movie na “Imagine You & Me” na ipinalabas last July.

DENNIS, GUSTONG MAKITA ANG IBANG ANAK

BILANG isang magulang, longing din ang actor-comedian na si Dennis Padilla na makita ang kanyang mga anak (sa ex-wife na si Marjorie Barretto) na sina Julia, Claudia at Leon laluna ang dalawang huli na mahigit dalawang taon na umano niyang hindi nakikita.
   
Christmas wish ni Dennis na magkasama-sama ang kanyang mga anak sa araw ng Pasko o kahit sa ibang pagkakataon.
   
May dalawa nang anak si Dennis sa kanyang present wife na si Linda Gorton, ang four-year-old na si Gavin at ang bagong panganak (last Nov. 30) na si Mary Madeline (Mady).
   
Natutuwa si Dennis na kahit papaano ay nakikita at nakakausap niya lately si Julia magmula nang aksidente silang magkita sa isang gym.

SCHEDULE OF ACTIVITIES SA MMFF, NABAGO

HANGGANG January 3, 2017 na lamang umano ang 2016 Metro Manila Film Festival kaya malamang na mapaaga na rin on January 4, 2017 ang showing ng movie na pinagbibidahan ni Vhong Navarro, ang “Mang Kepweng Returns” na pinamahalaan ni GB Sampedro under Cineko Productions and released ng Viva Films.
   
Sa walong pelikulang kalahok ng MMFF, may apat na pelikula ang posibleng tangkilikin ng mga manonood at kasama na rito ang feel-good-movie na “Vince & Kath & James” ng Star Cinema na tinatampukan nina Julia Barretto, Joshua Garcia at Ronnie Alonte, ang “Die Beautiful” ni Paolo Ballesteros, ang “Ang Babae sa Septic Tank 2” ni Eugene Domingo at ang “Seklusyon” ng Reality Entertainment na dinirek ni Erik Matti.
   
Samantala, hindi na sa January 8, 2017 gaganapin ang  Gabi ng Parangal ng MMFF kundi sa December 29 na umano ito.
   
Maging ang mga lugar na daraanan ng parada ng mga artista ay iniba na rin.  Sa halip na magsisimula sa may Mall of Asia at magtatapos sa Quirino Grand Stand sa Luneta ay magsisimula ito sa Quirino Grandstand at magtatapos naman sa Plaza Miranda sa Quiapo.

ANAK NA BABAE NI OGIE, GUSTO SA PILIPINAS

NAGDESISYON ang panganay na anak ni Ogie Alcasid sa ex-wife niyang si Michelle van Eimeren na si Leila Alcasid (19) na bumalik ng Pilipinas at dito na muling mamirmihan to bond with her dad, half-brother na si Nate at maging sa kanyang stepmom na si Regine Velasquez na close din sa kanya.
   
Maiiwan naman sa Sydney, Australia with their mom na si Michelle at mister nito ngayong si Mark Murrow ang younger sister ni Leila na si Sarah pero nanaisin din nitong bumalik ng Pilipinas ay welcome ito kina Ogie at Regine.
   
Wala pang ideya ang mag-asawang Ogie at Regine kung ano ang gustong gawin dito ni Leila kung kasama ba sa plano nito ang pag-aaral dito o planong pasukin din ang showbiz.