4,858 guests

Ginagaya

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 552

Puwet ni Dominic, pang-international

Moviegoers, todo-puri sa ‘ Mano Po 7’

BAGO ang hair do ni Regine Velas-quez-Alcasid ngayon na kanyang idinispley sa kanyang Instagram account. Modern punk hair eklat ang estilo ng buhok ni Songbird.

Aba, ilang araw pa lang niyang ipinakita ang bagong estilo ng buhok, naloka agad siya nang dumaming guma-ya sa hitsura niya!
   
Tweet ni Reg, “Eh, ’yung one week pa lang ’yung hair ko dami ko nang kamukha. Grabe naman mga bakla sana pina-one month nyo lang!!!”
   
Idolo kasi ng mga bading si Regine kaya anuman ang gawin niya sa hitsura, 100 percent na ginagaya siya, huh!

* * *

DENY to the max ang baguhang young actor na si Ronnie Alonte na hindi siya ’yung lalaking nasa sex video. Pagmamalaki pa niya, “Hindi maliit ang nota ko!” sa pocket presscon ng festival movie na kinabibi-langan niya, ang Seklus-yon mula sa Reality Entertainment.
  
Mas nauna man kay Ronnie ang co-star na si Dominic Roque sa movies, mas mainit namang pinag-uusapan ngayon ang una dahil sa mga akusasyong may sex video siya. Pag-mamalaki naman ni Dominic sa exposure niya sa horror movie, meron siyang butt exposure pero sa international version mapa-panood ’yon.
     
Eh, bukod kina Ronnie at Dom, dalawang baguhan at wala pang karanasan sa acting ang kasama nila, sina JR Versales at ang volleyball player mula sa College of St. Benilde na si Johnvic de Guzman.
   
Baguhan mang masasabi ang apat, jackpot na rin sila dahil ang premyadong director na si Erik Matti ang humawak sa kanila, huh!
   
Anyway, ang Seklusyon ang lone Philippine entry sa non-competition Hidden Dragons section ng 1st Macao International Film Festival na ngayong araw, December 11, ang world premiere.

* * *

PINURI nang todo-todo ang ganda ng pelikulang Mano Po 7: Chinoy at ang magagaling na artistang bahagi ng family drama.
   
Palakpakan ang audience sa premiere night ng MP7 sa Cinema 9 ng SM Megamall kina Richard Yap, Jean Garcia, Enchong Dee, Jessy Mendiola, Janella Salvador, Marlo Mortel, Jake Cuenca, Kean Cipriano, Eric Quizon maging ang lumabas na mother ni Richard na si Rebecca Chuaungsu.
   
Moving, touching at may kilig moments din ang latest anthology ng franchise. Hindi pilit ang pagpapaiyak sa mga madadramang eksena. Kusa na lang aagos ang mga luha ng manonood sa eksenang nakakaantig ng damdamin.
   
Matapos ang premiere, iisa ang tanong ng lahat. “Bakit hindi napili ang Mano Po bilang entry?”
   
Smile na lang ang mag-inang Lily at Roselle Monteverde bilang tugon.
   
Anyway, mamayang hapon, may grand parade ang cast ng Chinoy. Sa Lucky China Town Mall ang assembly ng 4 p .m.,  then lilibot sa kalye ng Binondo at saka babalik sa mall para mag-show.