6,960 guests

Communion ni Jazz, ’di sinipot ni Patrick

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 588

Pinost ni Jennylyn Mercado sa Instagram (IG) ang first communion ng anak na si Jazz kasama ang tinawag ng aktres na si Teacher Jason.

May mga nalungkot at naawa kay Jazz sa nakitang picture dahil sana raw, ang amang si Patrick Garcia ang kasama at hindi ang kanyang teacher.

Hindi sinagot ni Jennylyn ang mga tanong kung bakit wala si Patrick. At the same time, they congratulated Jennylyn sa pagpapalaki sa anak being a single mom.

Lalo na ngayon na wala na si Mommy Lydia na tumutulong sa kanya.

Tama naman ang ibang followers ni Jennylyn, baka hindi alam ni Patrick na magpi-first communion, kaya wala ito.
   
’Wag nang mag-nega, ang importante, lumalaking mabait si Jazz at napaka­gwapong bata.
   
Samantala, finals na ng Superstar Duets sa December 17 at kung tama ang balita, naghahanda na ang GMA-7 sa gagawing rom-com series ni Jennylyn, ang Pinoy version ng Korean series na My Love From the Star.
   
Ang tsika, ang Fil-Spanish commercial model na si Gil Cuerva ang napili ng network na gumanap sa role ni Matteo Do at makakapareha ni Steffi Cheon (Jennylyn).
   
Marami na ang excited sa tambalan ng dalawa at request ng fans, bilisan ng GMA-7.

Julia, wala pang imbitasyon kay Dennis

Balik na sa Alyas Robin Hood ang karakter ni Dennis Padilla bilang si Wilson Chan.
   
Natawa kami kay Dennis dahil malaki raw ang nawalang tf sa kanya dahil 10 days siyang hindi nag-taping. Gusto niya ang role niya sa action series dahil first time siyang nagkontrabida at nag-i-enjoy siyang maging bad guy at magpatawa.
   
Ngayon lang uli nakasama ni Dennis si Dingdong Dantes after nilang gumawa ng pelikula noong 2002. Masaya siyang makatrabaho uli ang aktor sa isang magandang project.
   
Tsinika nito ang mga eksena nilang dalawa na bawal isulat dahil hindi pa nakukunan.
   
Samantala, natanong si Dennis sa sinabi ng anak na si Julia Barretto na gusto nitong mapanood niya ang MMFF entry nitong Vince & Kath & James dahil nag-comedy siya at gustong makuha ang reaction ni Dennis.
   
Sagot ni Dennis, panonoorin niya talaga ang pelikula ng anak dahil every MMFF, pinapanood niya ang lahat ng entries para makita kung ano ang maganda at pangit sa mga entry.
   
Naikuwento tuloy ni Dennis na siya dapat ang gumanap na ama ni Julia sa movie, hindi lang natuloy dahil may taping siya ng Alyas Robin Hood.
   
Ayon pa kay Dennis, happy siya sa gesture ni Julia, pero noong kausap namin ito, wala pang invitation sa kanya ang anak. 
   
Ang gustong mangyari ni Dennis, bago mag-Pasko, magkita sila ni Julia at ang mga kapatid nitong sina Claudia at Leon na two years na niyang hindi nakikita.
   
“Gusto ko sanang ipakita kina Julia ang dalawang kapatid nila sa asawa ko ngayon na isang Fil-Aussie. Nalungkot ako nang magtanong si Gavin kung kailan pupunta sa bahay sina Julia. Sa billboard lang niya nakikita si Julia at sa old pictures na nasa akin,” sabi ni Dennis.

Paolo, hahakot ng MMFF awards

Hindi pa man showing ang Die Beautiful, may award nang natanggap si Paolo Ballesteros para sa pelikulang entry sa MMFF.
   
Kabilang siya sa binigyan ng award of distinction ng Inquirer.Net para sa nasabing pelikula.
   
May mga nagsasabi na kay Paolo na maghanda dahil hahakot siya ng award para sa Die Beautiful, hindi lang sa MMFF, pati na rin sa ibang award-giving body.
   
May mga nagsabi na rin na magpaparamihan sila ni Eugene Domingo ng award.
   
Sabi naman ni Paolo, masaya na siya kung panonoorin ang Die Beautiful ng kanyang mga kababayan at bo­nus na sa kanya kung mananalo ng award.
   
Ang isa pang gusto niyang mangyari sa pelikula ay kumita para mabawi nina Director Jun Lana ang pinuhunan.
   
Gusto rin niyang sumaya si Mother Lily Monteverde at ang Regal Entertainment, Inc. na producer din ng Die Beautiful.

* * *

Ten years ginawa ni Director Avid Liongoren ang Saving Sally, pero si Rhian Ramos, six years lang nakasama nina TJ Trinidad at Enzo Marcos.
   
Si Rhian ang pumalit kay Anna Larrucea na original gumanap sa role ni Sally, kaya lang, sa tagal matapos ang pelikula, nag-asawa si Anna at sa Spain na yata naka-base.
   
Naghanap sina Direk Avid ng bagong “Sally” at si Rhian ang nakapasa sa audition. Si TJ naman ang nagsabi kay Rhian na mag-audition dahil that time, ginagawa nila ang TV show na Zorro, nag-audition nga si Rhian at pumasa.
   
Kuwento ni Rhian, first time niyang mag-decide for herself na may kinalaman sa kanyang career at dahil maganda ang resulta ng ginawa, tiyak na uulitin pa nito.         Willing daw siya to audition for future projects na kailangan ’yun bago makuha.
   
Ayon kay Rhian, kung ngayon niya gagawin ang Saving Sally, marami siyang babaguhin sa acting niya.
   
She was 19 years old that time playing a 16-year- old girl, pero pasado kay Direk Avid ang acting niya.         Pumasa ang pelikula bilang isa sa eight entries sa MMFF at mapapanood na simula sa December 25.