4,773 guests

Dingdong at Marian, nakaw-eksena sa debut ni Gabbi

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 813

Kabilang sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa mga bisita sa debut party ni Gabbi Garcia at nakaw-eksena ang kanilang “Twinning look” dahil pareho ang kanilang suot at sa sapatos lang nagkaiba.

Black ang shoes ni Dingdong, white naman ang shoes ni Marian. Achieve na achieve ang androgynous look ni Marian.

Magkasama sina Marian at Gabbi sa Sunday PinaSaya kaya present ang una sa debut ni Gabbi at imbitado rin si Dingdong.
   
Comment ng nakakita sa picture ng aktor, nanibago siya sa hitsura nito dahil nasanay siyang mapanood ito sa Alyas Robin Hood na madalas, t-shirt ang suot at kung minsan, naka-hoodie.
   
Kabilang din sa bisita ni Gabbi ang cast ng Encantadia at gaya kay Dingdong, nanibago rin ang fans na makitang naka-glam ang cast na napapanood nilang naka-costume sa fantaserye.
   
That night, nakapustura ang lahat at ang ganda nilang tingnan. Hindi nag-schedule ng taping ng fantaserye si Direk Mark Reyes para makadalo sa debut ang imbitado sa cast.

* * *

Hindi lang pang-promo ng Mano Po 7: Chinoy ang binabanggit ng cast na closeness nila dahil nakikita at nararamdaman ito.
   
Gaya na lang sa blogcon ng movie, panay ang biruan nila, lalo na sina Jean Garcia at Enchong Dee na gumaganap na mag-ina sa pelikula.
   
Hindi nagdadalawang-isip si Jean na hawakan sa braso si Enchong at si Enchong, hindi nag-alangang biruin si Jean. May mga hirit pa nga itong, sabad daw nang sabad si Jean sa pagsasalita niya.
   
Bakit daw hindi na lang ito ang sumagot. Sa halip na ma-offend, natawa na lang si Jean.
   
Cute rin ang parte na sinabi ni Enchong na type niya sa babae “may edad” saka tumingin kay Jean. Again, natawa na lang si Jean.
   
First time ni Jean na makatrabaho si Enchong na taga-ABS-CBN pati sina Richard Yap, Marlo Mortel at Janella Salvador.
   
May balak si Mother Lily Monteverde na muling kunin sa pelikula sina Richard at Enchong dahil ang husay-husay daw sa confrontation scene nila, ’yung nagkasakitan silang dalawa.
   
Sana, isama rin si Jean para hindi maputol ang maganda nilang samahan.
   
Nabanggit din ni Mother Lily na sabi ng mga taga-MTRCB na nag-review ng Mano Po 7, ito na ang pinakamagandang Mano Po movie, kaya ’wag kalimutang panoorin ’pag nag-showing simula sa December 14.
   
Sa Dec. 9 ang premiere night nito sa SM Megamall at may parada sa loob ng mall papunta sa sinehang paglalabasan nito.
   
Ang isa pang parade ay sa Dec. 11, 4 p.m., sa Binondo area at nagsimula na rin ang school tour ng cast sa Fil-Chinese schools to promote the movie.

* * *

Narinig namin ang sinabi ni Nora Aunor sa presscon ng pinagbibidahang Kabisera na entry sa 2016 MMFF.
   
Wala na raw siyang dapat pang patunayan, nagpapasalamat na lang siya na maipapalabas na ang pelikula na magpapakita sa importansya ng pamilya at maituturing na kayamanan ng mga Pilipino.
   
Sa presscon ng pelikula na produced ng Firestarters Productions sa direction ni Real Florido, ipinakilala si Nora bilang “The Grand Dame of the Philippine Cinema” at ang mga kilala ang Superstar, alam na nahiya ito sa ibinigay na title sa kanya.
   
Kasama sa cast si Ricky Davao, na nagpasalamat sa pagdating ng press people, nakakataba raw ng puso ang suportang ipinakita ng mga reporter sa kanilang pelikula at kay Nora.
   
“Ramdam namin ang respeto, suporta at pagmamahal ninyo kaya nagpapasalamat kami,” wika ni Ricky.
   
Sabi ng producer ng Kabisera, hindi nila tinipid ang pelikula at the best ang technical people na kanilang kinuha.
   
Si Topel Lee ang cinematographer, si Mark Sabas ang production designer, si Vince de Jesus ang musical scorer at si Tara Illenberger ang editor.

* * *

Ibinalita pa lang ng GMA-7 na magsasama sa isang comedy game show ang mag-asawang Drew Arellano at Iya Villania, excited na ang Kapuso viewers.
   
Isa sa well-loved couples ang dalawa at gusto silang makitang nagkukulitan at nagkukontrahan na kanilang ginagawa sa social media.
   
May pamagat na People vs. The Stars ang show na isa sa new shows ng network sa 2017.
   
Sila ang magiging mediator ng taumbayan na ilalaban sa mga artistang nais manalo ng cash prize. Maganda at nakaka-good vibes ang game na ito dahil makakalaro ng fans ang kanilang idol.