4,732 guests

Umamin!

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 841

Kiko, ayaw madamay sa iringang Baron-Ping

... social docu, idinepensa

PINATOTOHANAN ni Kiko Matos na bahagi ng isang social documentary ’yung bugbugan nila ni Baron Geisler sa isang lugar sa The Fort.  

Napaniwala nila ang mga tao na meron silang galit sa isa’t isa kaya naman marami rin ang nanood ng kanilang laban.

“’Yung laban namin ni Baron, isa po siyang social experiment. Nagsimula ito nu’ng January this year. Napili kaming dalawa ni Baron na gampanan namin ’yung role namin para sa experiment.
   
“So far, naging successful kami. Hanggang sa pagtago rin ng sikreto namin which we plan to reveal by December 15,” pahayag ni Kiko sa presscon ng kinabibilangang Metro Manila Film Festival entry na Kabisera ni Nora Aunor.
   
Lumabas sa social media ang tungkol sa docu, pero na-publish na rin ang interview nila sa isang men’s magazine last November, kung saan in-explain ang lahat ng ginawa nila.
   
“Okay lang sa amin na lumabas na ’yung sikreto,” sey niya.
   
Feeling tuloy ng ibang press, pinagmukhang tanga sila dahil pinaniwala sa isang gimik lang pala.
   
“Hindi naman sa pinagmukha namin silang tanga. First of all it’s a social experiment, eh. When you do an experiment, you have to have unsuspecting victims, especially with socially relevant issues.
   
“Meron kaming cause kaya namin ginawa ’yon. Meron kaming objective. Much as I wanted to tell you the details, nandoon sa docu kung bakit namin ginawa ito,” rason ni Kiko.
   
“Lumabas na po ang trabaho namin as actors to look like we have a feud,” katwiran pa niya.
   
Sa face off nila ni Baron, may ibinuhos si Kiko na kulay ihi.
   
Ayon sa kanya, beer lang ’yon. Pero nang draw ang lumabas na decision ng judges sa bakbakan nila, hindi na raw scripted ’yon at desisyon na ng judges.
   
“What I tell everybody, sa lahat ng nangyari sa amin ni Baron, only the fight was real. But supposedly, Baron and I are talking na we could choreograph the fight. Pero hindi namin ginawa. Binigay naming lahat.
   
“Kung ang ibang tao, inisip na nagkabasagan kami ng mukha, first of all, we’re not fighters. We’re not really trained fighters. Pero lumaban kami hanggang sa nawalan kami ng hininga. Hanggang sa na-drop kaming pareho,” diin niya.
   
Wala raw silang bayad sa documentary na ’yon.
   
“It was an exciting experiment. It’s one of the projects you do with passion. You wanna do something that involves reality. As an actor, we want to step out of our comfort zone to do something we’ve never done before. Alam namin ang consequence. As adults, we do something we’ve never done before,” paliwanag pa ng actor.
   
Ano ang masasabi niya sa kinasangkutang gulo ni Baron kay Ping Medina? Kasama ba ito sa project nila?
   
“Hindi po kasama ’yon sa project namin. Nagkataon lang ’yon. ’Yung beast mode, hugas-kamay po ang organizers namin sa issue. We are just in time of promoting the movie this December. Nagkataon lang na nagkasabay ang issue at promotion namin,” sey ni Kiko.
   
Kasama rin sa movie ni Arlyn dela Cruz si Kiko. Pero ayaw na niyang magkomento sa nangyari sa set dahil ayaw daw niyang mag-take sides.
   
Wala siya sa set nu’ng mangyari ang insidente kaya iwas siyang masangkot sa gulo dahil kaibigan ang turing niya kay Baron.
   
“Si Baron, you have to have a certain level of understanding to appreciate, to accept him. Nakasama ko na siya sa bahay, marami nang ginawa sa akin pero pinapalagpas ko. Ayokong ma-feel niya na kaibigan ko siya para lang ma-expose ko siya,” diin pa ni Kiko.