4,773 guests

Comm. Nick, may P2 bilyon na!

  • Written by Paul M.Gutierrez
  • Published in Opinion
  • Read: 419

BAGO ang lahat, pagbati muna ng isang maingay na ‘Happy Birthday!’ kay Jazthane Lei ‘Laleng’ del Rosario ng La Union, sa kanyang kaarawan kahapon. Harinawang patuloy kang lumaki na isang mabait at masunuring anak, hane?

Pakikiramay din sa pamilya at mga kamag-anak ni former PJI editor at National Press Club (NPC) lifetime member, Ferdie Ramos, sa kanyang pagpanaw kahapon.
   
Matagal din nating nakasama si ‘Boss Ferdie’ sa ‘media group’ ni Pang. Erap kung saan kami ang mga orihinal na ‘409 Boys,’ sa panahong detenido pa si Pang. Erap.
   
Farewell, Boss Ferdie, alam kong “natagpuan” mo na ang katahimikan ng kalooban (peace of mind) na kailangan nating lahat. Mabuhay ka!

* * *   

Hindi na tayo nagulat, mga kabayan, sa nalaman natin na bagaman may apat na buwan pa lang sa puwesto si BoC Commissioner Nicanor Faeldon sapul nang maitalaga siya ni PDU30, “nakaipon” na pala siya ng halos P2 bilyon!
   
Oops! Bago naman “gumana” ang “malisyosong utak” ng ating mga miron, ang nasabing kuwarta ay hindi naman po napunta sa bulsa o ‘bank account’ ni Comm. Nick, hane?
   
Bagkus, ang P2 bilyon ay ang halaga ng mga iligal na droga na nakumpiska ng BoC sapul nang mapuwesto siya sa Aduana, alright?
   
At sa sunud-sunod na ‘accomplishment’ ng BoC kung ‘illegal drug interdiction’ ang pag-uusapan, naniniwala tayong mapananatili ng ahensiya ang “titulo” bilang ‘biggest contributor’ sa hanay ng mga ahensiya ng gobyerno kung pagsugpo rin lang sa iligal na droga ang pag-uusapan.
   
Oh yes, dear readers, kumbaga sa ‘sports,’ ‘defending champion’ ang BoC sa panghuhuli sa mga iligal na droga kung saan “dinaig” pa nito ang PDEA, NBI at PNP.

* * *   

Sa ating obserbasyon, malaking tulong talaga kay Comm. Nick ang “pagbitbit” niya kay ex-Philippine Marines spokesman, retired colonel Neil Estrella, “the man wearing so many hats” ngayon sa BoC.
   
Aber, hindi lang kasi aktibo itong si ‘Star’ sa pagtutok sa operasyon ng mga drug syndicate na siyang dahilan kung bakit sunud-sunod ang nahuhuli ngayon ng BoC.
   
Ito ring si Col. Star, kaibigang Rene Acosta ng Business Mirror, ang “tagahilot” (read: sumasalo sa mga salto) ni Comm. Nick sa hanay ng mga ‘stakeholder’ sa Aduana.
   
Aber, kung hindi pa nga marahil sa “pagpupunyagi” nitong si Col. Star, hindi “kakalma” ang militanteng BoCEA dahil nga minsan ay hindi nila ‘ma-take’ ang mga katsang ng kanilang customs commissioner, hehehe.
   
Hindi lang ’yan, mga kabayan.
   
Si Col. Star na rin ang gumagawa ng paraan upang epektibong maikalat sa publiko ang mga ‘accomplishment’ ng BoC na dati-rati ay ayaw pansinin ng media kaya ang resulta, “poging-pogi” ngayon sa publiko si Col. Neil, ayy, Comm. Nick pala, hehehe!

* * *   

May “banta” umano si Comm. Nick Faeldon sa hanay ng mga importer at broker na ikanta, agh, ibisto na, ang pangalan ng mga ‘corrupt’ na opisyales ng Aduana na tumatanggap ng “tara” kung ayaw nilang matanggalan ng “lisensiya.”
   
Susme, ito ang “pagbabanta” ni Comm. Nick na sa tingin ng ating mga miron ay “walang ibig sabihin,” hehehe.
   
Dangan kasi, kung “makatotohanan” umano ito, hindi ba ang dapat (daw) umanong linisin, agh, linawin ni Comm. Nick, ay ang hindi matapos na “tsismis” hinggil sa kanya umanong “relasyon” sa pamilya nitong mga alias ‘Teves?’
   
Itong mga alias ‘Teves,’ mga kabayan, ang sinasabi ngayon na “naghaharing-uri” sa pantalan na ang “bumangga, giba!”
   
Ang ginawang halimbawa ng ating mga miron ay ang masaklap na sinapit ni Customs police captain, Arnel Baylosis, na umano’y “nakatimbog” sa malaking kargamento ng mga sibuyas ilang buwan na ang nakaraan.
   
Dahil sa kanyang matapat na pagtupad sa tungkulin, “natapon sa kangkungan” ng Jolo, Sulu, itong si Baylosis matapos personal na “gibain” ni Comm. Nick ang kanyang pagkatao nang akusahan siya bilang isang ‘corrupt’ sa isang press conference sa Malacañang, mismo!
   
At totoo kaya na ginawa ni Baylosis ang pagtimbog sa nasabing kargamento ay batay sa ‘info’ na galing mismo kay Comm. Nick?
   
Eh, bakit biglang “nabaligtad ang mundo” nitong si Baylosis?
   
Hindi naman kaya dahil ang nasa “likod” ng tangkang pagpupuslit na ito ay ito umanong sina alias Teves?
   
Hindi pa rin tapos ang ‘teleserye’ na ito mga kabayan kaya… abangan!!!