5,715 guests

Bahay, ’di galing kay Tim -- Sunshine

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 525

... balikan issue, nilinaw ng aktres

Itinanggi ni Sunshine Dizon na okay na sila ng estranged husband niyang si Timothy Tan contrary to rumors na nagkabalikan na sila.

“Hindi po kami okay, nililinaw ko po ’yan,” pahayag ni Sunshine nang makatsikahan namin siya sa presscon ng bago niyang drama series sa GMA-7 na Ika-6 na Utos opposite Gabby Concepcion.
   
“We are just being civil with regards to my children and that’s about it. So, I hope people will stop assuming and you know, writing about things na nagkabalikan kami, etcetera.
   
“There is a case that is ongoing. We are just trying to be civil for my children. Hanggang doon na lang po. We failed our marriage already, so, the least we can do is at least be good parents.”
   
May tsika ring binigyan siya ng bahay ng estranged husband bilang parte ng kasunduan nila at aniya, wala itong katotohanan.
   
“Wala pong binibigay ang asawa ko sa akin na kahit na ano, okay? I’m just very thankful that I have a good and loving father-in-law at ’yung pinag-uusapan po na bahay na ’yan is from my father-in-law, not from Tim (her husband).”
   
Paglilinaw pa ni Shine, dati pa ibinigay sa kanya ang bahay ng father-in-law at wala pa silang kaso ni Timothy nu’n.
   
“Wala po ’yang kinalaman sa kaso namin. Ang bahay po dito sa Manila na binigay ng father-in-law ko was way before whatever happened between me and my husband dahil we decided to stay here in Manila so that my children can study here. So, ’yun po, bigay ng father-in-law ko but it has nothing to do with the case,” she said.
   
Asked kung nandu’n pa rin ba ang galit sa asawa, aniya, “Siguro, my personal feelings have nothing to do with it anymore. Hayaan na lang natin ang batas ang magdesisyon kung anong karampatan na dapat nilang abutin.”
   
But is she willing to reconcile if ever?
 
“No, no, no. As long as the case is ongoing, there’s no reconciliation. We’ll see what happens after. Kasi, they might use it against me, eh. If I say we reconciled or what, they will say parang nagbigay ka ng parang pardon something, mga ganu’n-ganu’n.
   
“And you know, lawyers are very wise. So, please, I hope people can also help me with that to stop writing about unverified information na okay kami, nagkabalikan, wala pong ganu’n. There’s still a case going on. Hindi pa po ako tapos sa kaso.”
   
Matatandaang nag-file si Sunshine for VAWC (Anti-Violence Against Women and their Children) at concubinage laban sa asawa pati na sa alleged mistress nitong si Clarisma at kasalukuyan pang nasa piskalya ang kaso.
   
Natanong din sa kanya ang tungkol sa posibilidad ng annulment. Aniya, “As of now, wala pa ’yan sa plano ko. May kaso pa rin naman. We’ll see after. I don’t know pa.
   
“Kasi, if I win the case, it’s automatic, eh. We’re gonna be annulled. So, we’ll see.”
   
Tungkol naman sa kanilang dalawang anak, ayon kay Shine, pinipilit nilang mag-asawa na maging normal ang pagpapalaki sa mga ito kahit hiwalay na sila.
   
“Si Tim, pumupunta sa bahay, kinukuha ’yung mga bata, naghahatid-sundo. But that’s about it.”
   
May insidente ring nagkasabay sila ni Timothy sa mga activity sa school ng anak nila at paliwanag ni Shine, request ito ng anak nilang babae.
   
“I asked my lawyer if it’s okay ’coz my daughter requested if we could both attend their family day. Eh, sabi naman ng lawyer ko, as long as I’m okay and wala namang ano, hindi dapat gawing issue. So, we both attended.”
   
Ngayong Pasko ay first Christmas ni Sunshine na wala ang asawa at aniya, ganu’n pa rin ang selebrasyon.      
   
“Katulad pa rin ng dati, diretso pa rin, same tradition. We’ll be with my family sa South, sa mga Dizon. I just don’t know if my father-in-law will be able to get my children on the 25th. Hindi ko pa po alam.
   
“Basta, kumbaga, as much as I can, pareho pa rin. Normal pa rin. May kulang lang.”
   
Kumusta na siya talaga ngayon emotionally?
   
“I’m okay, I’m doing pretty well. Okay naman po, I just focus on my job, my children, okay naman po, awa ng Diyos.”
   
Samantala, bagama’t may similarity ang tema ng serye niyang Ika-6 na Utos sa pinagdadaanan niya sa totoong buhay, aniya, ibang-iba siya sa kanyang karakter na si Emma.
   
“Iba naman ’yung personal kong buhay, iba naman ang trabaho. Marami naman pong pagkakaiba. Merong similarities, but it’s still a character. It will never be me. May pagkakaiba pa rin po ’yun. Kahit ipilit nating pareho, hindi pa rin po dahil iba si Emma, iba rin po ako.”
   
Sa Ika-6 na Utos, ginagampanan ni Sunshine ang role ng asawa ni Gabby Concepcion, isang piloto (na coincidence ring propesyon ng asawa niya in real life).    Pero nagloko ang kanyang mister at ipinagpalit siya sa ibang babae (ginagampanan naman ni Ryza Cenon).
   
Magsisimula na sa Monday, December 5, ang Ika-6 na Utos sa afternoon slot ng GMA-7 mula sa direksyon ni Laurice Guillen.
   
Kasama rin dito sina Mike Tan, Rich Asuncion, Daria Ramirez, Carmen Soriano, Marco Alcaraz, Mel Martinez at Arianne Bautista.