4,230 guests

Marian, inilipat ng ospital si Boobay

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 2507

WALANG dalawang-salita ang mga kumausap kay Marian Rivera nang sabihin sa kanyang na-stroke ang kaibigan niyang komedyante na si Boobay.     Agad umaksyon si Yan at pinalipat si Boobay sa St. Luke’s Medical Center sa Global City.

Sa press visit sa taping ng Superstar Duets last Tuesday, hindi sinasadyang nabanggit ni Allan K ang pagtulong ni Yan kay Boobay.
   
Ayaw pabanggit ni Marian ang pagtulong na ginawa sa kaibigan, pero nararapat lang na malaman ito ng publiko.
   
Matinding magpahalaga sa kaibigan si Yan. Mula kasi nang maging malapit sila sa isa’t isa ni Boobay, non-stop na ang friendship nila.
   
Kahit kasagsagan ng pagbubuntis niya kay Baby Zia, dumalo pa rin si Yan sa fund-raising show ng komedyante last year.
   
Wala kaming alam kung hanggang saan ang extent ng pagtulong ni Marian kay Boobay.
   
But knowing her generosity, hindi na kailangang ilantad pa ito. Ang importante, nasa tabi siya ng komedyante sa panahong nangangailangan siya.
   
Dapat lang na saluduhan natin ang kabutihan ni Marian, huh!
   
Anyway, bukod kay Yan, handa ring tumulong ang GMA Network sa kalagayan ni Boobay, lalo na’t isa rin siyang homegrown talent ng istasyon.

* * *

SA nasabing interview pa rin ni Allan, nasabi niyang dapat lang marunong magpahinga ang isang taong sagad sa trabaho.
   
“Enjoy your work but enjoy your life too!” rason ni Allan.
   
Sa ngayon, tumatanggap pa rin ng mga show si Allan here and abroad. Pero piling-pili na ang mga ito. Kung malayo ang location, goodbye na muna siya. Ipapahinga at itutulog na lang niya ito.
   
Iwas siyang tumanggap ng teleserye. Hindi siya sanay ng inuumaga sa taping.
   
Eh, ito namang stint niya sa SD, twice a month lang ang taping at hindi inuumaga ang trabaho.
   
Matatapos na rin ang celebrity duet singing contest.
   
Isa siya sa judges dito at ngayong Sabado, may matatanggal na celebrity.
   
Next week ang semi-finals at malalaman kung sino ang maglalaban-laban kina Rita  Daniella, Jerald Napoles at Nar Cabico.
   
Para maging grand winner, hinahanap ni Allan sa labanan ang musicality and at the same time, bonggang production numbers ng kalahok.
   
This Saturday rin ang huling guesting ni Regine Velasquez-Alcasid as host.
   
Next week, balik na si Jennylyn Mercado matapos ang bonggang bakasyon sa Amsterdam with Dennis Trillo.

* * *

NASA Mexico si Mayor Herbert Bautista nang magpatawag ng usual birthday treat sa press na ipinanganak mula August hanggang December sa Salu resto sa Sct. Torillo, QC.
   
Siyempre, ang bunsong kapatid na si Harlene ang humarap sa press at nakibati sa celebrators.
   
Wala rin ang asawa ni Harlene na si Romnick Sarmenta, na ni-represent ang kuya sa isang event.
   
“Matutuwa na naman si Mommy dahil tuluy-tuloy tayo sa pagkikita na noon pa niya pangarap. Nandito kami para sa inyo bilang kaibigan.
   
“Malaki ang utang na loob namin sa inyo kaya ibinabalik lang namin ang lahat ng tulong na nagawa niyo para sa aming pamilya,” pahayag ni Harlene.
   
Hindi man aktibo sa showbiz, natutuwa naman si Harlene dahil bonggang-bongga na ang customers na tumatangkilik sa Salu.
   
Sa susunod na taon, magkakaroon ng dagdag na menu para lalo pa itong tangkilikin ng publiko.