7,078 guests

Ellen: Being sexy is sacrifice

  • Written by Chit Ramos
  • Published in Showbiz
  • Read: 572

DALAWANG teleserye ngayon  na nagtatampok kay Ellen Adarna ang magpapatunay na hindi lamang “katawan” ang puhunan niya sa pagpasok sa showbiz.

Una’y ang “The Greatest Love” kung saan gumanap siyang isang napakagandang dalaga na umibig kay EJ Falcon. Kahit naglalagablab ang kanilang pagmamahalan, hindi dumating sa paghuhubad ang mga eksena ni Ellen. Sinadya ito ng director para maging bago sa publiko ang image ng isa sa pinakaseksing babae sa showbiz ngayon.
   
Ang pangalawang teleserye niya ay nagsimula kahapon, Lunes ang “Langit Lupa” na magtatampok kay Ellen sa isang kakaibang role kasama ang dalawang bagong prinsesa ng telebisyon na sina Yesha Camille at Xia Vigor, ganundin sina Yam Concepcion, Jason Abalos, Patrick Garcia, Tommy Esguerra, Miho Nishida, Jairuz Aquino, Sharlene San Pedro, among others.
   
Sabi ni Ellen: “I’m happy dahil mas madaling gawin ang dalawang ito. Ang hirap din kasing magpa-sexy lagi. You just don’t know how hard it is to maintain a sexy body. You make so much sacrifices. You choose what you eat, what you drink at walang puyatan kung puwede,” aniya. “I’m not going to say na nasusubukan kong maging aktres, kasi malayo pa ako roon. What’s important is satisfied naman si direk noong ginagawa ko ang ‘The Greatest Love’.
   
“Sa ‘Langit Lupa,’ I can’t reveal yet kung gaano ka-kontrabida ang role ko. Iba naman ito dahil dalawang bata ang tatakutin ko. ‘Yung napanood ninyo sa trailer, simple lang iyon. Mas gusto kong mapanood n’yo ako sa first telecast.
   
“People think, I’m hard to get along with. But they themselves can tell you na marunong naman akong makibagay at masaya akong kasama.”
   
Hindi rin nahirapan si Ellen sa pakikitungo sa dalawang bata dahil panganay siya sa kanilang magkakapatid. Apat ang nakababata niyang mga kapatid.
   
“I took good care of them when they were young, so no problem,” patuloy niya.
   
Kung marami ang naasar kay Ellen dahil sa pagwo-walkout niya during the grand presscon of “Langit Lupa” nang tanungin tungkol kay Baste Duterte, mayroon namang nakaunawa. Marami na ang mga nangyaring katulad ng nasabing insidente, pero, madali namang nakakalimutan.
   
In fact, we had an experience talking to Ellen during one of her sexy stage performances, and she was so sweet and masarap siyang kausap.

ENCHONG, BAD BOY

KAKAIBANG Enchong Dee ang mapapanood sa “Mano Po 7: Chinoy” na ipalalabas kasabay ng ilang pelikulang dapat sana’y kasali sa Metro Manila Film Festival.
   
Hindi siya ang dating mabait na anak, kapatid, kaibigan na pangiti-ngiti lang. “Bad ako rito,” aniya sa presscon na ginanap sa Regal Events Place. “In the story, may dahilan kung bakit nalihis ako ng landas.
   
“Dito ‘Mano Po 7,’ leading lady ko si Jessy Mandiola. At opo, may kissing scenes kami at hindi na kami naiilang. Ang dami na kasi naming pinagsamahang pelikula ni Jessy kaya sanay na kami. Kaya hindi na rin siguro iintrigahin ang mga eksenang iyon at piliting pag-awayin kami ni Luis (Manzano). At na-enjoy namin ang paggawa ng pelikula.
   
“Napakasaya sa shooting. Mahilig kasing magluto sina Papa Chen (Richard Yap) at Jean Garcia. Ako naman, as always, taga-ubos ng mga tira-tira nila.”

ONYOK, NANGHIHINAYANG

MASAYANG- masaya pa rin sina Onyok Pineda at Mclean Awra dahil makakasalamuha nila ang kanilang mga tagahanga bago mag-Pasko.
   
Sa Miyerkules na, Nov. 30, magbubukas sa maraming sinehan nationwide ang “Super Parental Guardians” kung saan kasama nila sina Vice Ganda, Coco Martin at sangkatutak na artista na bumuo ng pelikula ni Bb. Joyce Bernal.
   
Sabi ni Onyok: “Ang dami pa naming inihandang dance numbers ni Kuya MacMac sa paglililibot namin sa iba’t ibang TV shows sa ABS. Ganundin siyempre sina Ate Vice at Kuya Coco.
   
“Marami rin po kaming pamigay ni Kuya Macmac sa mga mano-nood ng live sa ‘It’s Showtime’ at iba pang shows ng ABS.
   
“Sayang na sayang  po, mami-miss namin ang fans na manonood ng Parada ng mga Artista sa MMFF. Hindi kasi kami kasali. Kawawa naman sila,” nasabi niya.

‘DI KURIPOT SA FANS

SAMANTALA, lungkot na lungkot din si Alonzo Muhlach, tulad nina Onyok at MacMac na kasama naman ni Bossing Vic Sotto sa Enteng Kabisote 10 and the Abangers.
   
“Ang saya-saya pa naman during the parade. I enjoy very much waving to the fans and throwing away T-shirts, candies and other giveaways to them.
   
“I’ll just invite them on Christmas Day. I’ll ask my Papa (Niño Muhlach) to a place where we can also play,” aniya.
   
Niño makes it a point to share  blessings na natatanggap ng anak, kahit sinasabi pang “kuripot” siya.
   
“Not with the fans,” natawang sabi niya.