4,933 guests

Lolo arestado sa pag-molestiya

  • Written by Edd Reyes
  • Published in Metro
  • Read: 271

INARESTO ng mga pulis ang 60-anyos na lolo nang mahuli sa aktong mino-molestiya ang anim na taong gulang na batang babae kamakalawa ng hapon sa Malabon City.

Mistulang nawala sa sariling bait habang nasa impluwensiya ng alak si Reynaldo Cruz ng Celia II, Barangay Bayan-Bayanan, nang dakmain at paglalamasin sa maselang bahagi ng kanyang katawan ang musmos na si Gemma (hindi tunay na pangalan) habang naglalaro sa tapat ng kanilang bahay dakong alas-5 ng hapon.

Sa kabila ng pagpupumiglas at palahaw ng iyak ng bata, hindi siya tinantanan ng suspek sa makamundong hangarin kaya’t nakatawag pansin ito sa amain ng biktimang si Nathaniel Turla, 31, na kaagad  humingi ng tulong sa mga nagrorondang barangay tanod na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Sa ulat ni PO3 Lea Baldemoro ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Malabon police, naglalaro ng clay si Gemma, kasama ang iba pa niyang kaibigan nang dumating ang lasing na suspek.

Posible umanong napu­kaw ang malisya ng suspek nang masilayan, hindi lamang ang angking ganda ng bata kundi ang kawalan nito ng malay habang naka­buyangyang ang suot na panloob sa kasagsagan ng paglalaro ng clay, kasama ang mga kaibigan.