4,833 guests

BB, legal na ang pagkababae

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 617
BB Gandanghari BB Gandanghari

Pinost ni BB Gandanghari sa Instagram (IG) ang picture niya noong si Rustom Padilla pa siya at ngayong si BB Gandanghari na siya. Parehong nakahubad ang dalawang litrato na pamamaalam sa nakagisnang pagkatao.

“On November 16, 2016, the superior court of Orange County has decreed, set in stone if I may say so, that BINIBINI GANDANGHARI, a resident of the United States of America is LEGALLY and OFFICIALLY Female. Praise be to my GOD whose guidance I have sought and still seeking as I go thru my transition. GOODBYE RUSTOM, my former self and my soulmate. You may rest now. And HELLO BB. Welcome to the world! May my God bless this soul...life! Cheers!! #ADAMTOEVE.”

Kabilang sa nag-like sa picture ni BB si Robin Padilla at isa sa nag-congratulate sa kanya si hailtothe-queen na isang transwoman. Ganda ng sinabi nitong “I wish Manila would recognize trans people and allow us to align our identity.

* * *

Ayaw ipabanggit ni Ryza Cenon na boyfriend niya si Pocholo Barretto nang makausap namin ito sa pictorial ng Ika-6 Na Utos. Unfair lang dahil nabanggit ang name ni Pocholo sa socmed, kaya kahit ayaw ni Ryza, kinumpirma naming boyfriend niya si Pocholo na galing sa angkan ng mga Barretto.

Ang BF ang isa sa inspirasyon ni Ryza ngayon at kung bakit masaya siya. Nakilala niya si Pocholo sa shooting ng Ang Manananggal sa Unit 23B and so far, okay ang relasyon nila.
   
Isa pa sa nagbibigay saya kay Ryza ang Afternoon Prime dahil hindi lang siya supporting, isa siya sa mga bida kasama sina Gabby Concepcion at Sunshine Dizon. Siya ang mistress ni Gabby at kung may kissing scene, gagawin niya. Kung ano ang hingin sa kanya ni director Laurice Guillen, kanyang ibibigay.
   
Gina-guide si Ryza ni Direk Laurice. Every take, kinakausap siya nito at tinutulungan din siya ni Sunshine. Worth it ang last minute na pag-o-audition ni Ryza dahil siya ang napili sa role ni Georgia at nangakong  magmamarka sa viewers ang kanyang role.
   
Sa first week ng December ang airing ng Ika-6 Na Utos na sa title pa lang, controversial na agad. Kasama sa cast sina Mike Tan, Rich Azul, Mel Martinez, Carmen Soriano, Daria Ramirez at marami pang iba.

* * *

Gabi ng musika at tawanan ang ipinangako nina Haji Alejandro, Rey Valera, Marco Sison at Rico Puno sa The Best of the OPM Hitmakers concert na gaganapin sa December 9, sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila. Produced ng Resorts World, Studio 69 at Starmedia ni Anna Puno.
   
Special guest sa concert si Jessa Zaragoza na hindi na masa-shock sa green jokes ni Rico dahil nasampolan na siya nang magkasama sila sa isang concert. Ipinakilala siyang “ang babaing singer na may pinakamalaking boobs.”
   
Nagpapasalamat ang apat na kahit marami ang mga bago at batang singers, kinukuha pa rin sila para mag-concert. Dahil magagalit ang audience ’pag hindi nila isinama ang hit songs nila, kasama pa rin ’yun sa repertoire. Dapat din hindi medley kundi buong songs ang kanilang kakantahin para walang magreklamo.

* * *

Kahit hindi nakapasok ang pelikula nila ni Coco Martin sa MMFF, nagpa-salamat pa rin si Vice Ganda sa sumuporta sa kanya. Na-touch daw siya sa ipinakitang suporta ng kanyang fans.
   
“I’M STILL ON CLOUD NINE” ang reaction ni Julia Barretto na nakasama sa official entry ang Vince & Kath & James nila nina Joshua Garcia, Maris Racal at Ronnie Alonte sa direction ni Ted Boborol.
   
“Thank You” naman ang post ni Paolo Balles-teros na ang Die Beautiful  ay kasama sa mga entry sa MMFF. This early, sinasabing hahataw sa box office ang pelikula sa direction ni Jun Lana.
   
Sabi ng selection committee ng MMFF, hindi star value kundi quality ng entries ang mas tiningnan nila. Ang Top 8 ang kinakitaan nila ng quality na magugustuhan ng viewers at kahit walang big stars sa cast ay tatangkilikin pa rin. Ang Saving Sally daw ang pambatang pelikula. Target ng MMFF this year ang P1.5B box office gross, sana nga makuha ito sa eight entries. 
   
Sa December 23 ang Parade of Stars, sa Dec. 25 ang simula ng showing ng entries at sa January 8, 2017 ang awards night na ipinangako nilang magiging star-studded.