11,805 guests

Jessy, dedma na sa ‘third party’ tag

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 398
Jessy Mendiola Jessy Mendiola

Unti-unti na ngang nagiging open si Jessy Mendiola sa relasyon nila ni Luis Manzano. Just recently, nag-post siya sa kanyang Instagram ng larawan nila ng TV host habang akbay-akbay siya nito.

Although obvious na talagang they’re in a relationship, wala pa ring opis­yal na pag-amin mula sa dalawa.

Inamin recently ni Jessy sa isang panayam na pwedeng sabihing MU (mutual understanding) sila ni Luis.

Sa presscon ng Banana Sundae’s 8th anniversary, natanong si Jessy kung ano nga ba talaga ang estado nila ni Luis.

Aniya,  masaya sila.

“Okay naman po, masaya naman kami.”
   
Paano niya idi-describe ang relationship nila ngayon?
   
“Peaceful,” maikli niyang sagot.
   
Tungkol sa larawan nila ni Luis na ipinost niya, aniya, spur of the moment ’yun at may blessing naman ng TV host na ipost ito.
   
“’Di ba, ’pag may nararamdaman ka, ‘hmmm, post ko na nga!’ So, nandu’n na ’yung wala ka nang pakialam sa iisipin ng ibang tao.”
   
Hindi naman daw totally wala na siyang care pero basta’t negatibong komento o thinking ng mga tao, ayaw na niyang i-entertain.
   
“Kasi mas masaya ang buhay, mas magaan ’pag ganu’n,” say niya.
   
Ang terms of endearment pala nila ni Luis ay “Chops” at “Chokes.”
   
Asked why, sey niya, “Naku, siya ang tanungin n’yo diyan, baka mapagalitan niya ako. Siya na lang ang tanungin n’yo kung bakit, huwag ako.”
   
Isa si Jessy sa mga aktres nating quotang-quota, kumbaga, sa bashers, pero sa ngayon, hindi na talaga siya nagpapaapekto at hinahayaan na lang niya.
   
“Parang nalaktawan ko na ’yung part na napuno ako. Parang nandu’n na ako sa part na tanggap ko, tanggap ko na kung ano ang opinyon ng bawat tao. Siguro dapat, sa panahon ngayon, dapat, nag-iingat na lang tayo sa mga sinasabi natin.”
   
Dati nga raw, nakakapag-comment pa siya sa mga sinasabi sa kanya ng netizens sa social media, pero lately, hindi na.
   
“Nun’g bagu-bago pa, pero ’pag paulit-ulit na po ang mga sinasabi nila, parang ’pag paulit-ulit na, alam mo na hindi na totoo, eh. Buti nga, meron nang ‘commenting off’ kaya kinu-comment off ko na lang. Minsan. Pero ngayon, open naman sa ibang pictures,” she said.
   
Ngayong nag-post na siya ng picture nila ni Luis na magkasama, may mga susunod pa ba kaming makikita in the coming days?
   
“’Yun ang abangan nila,” natatawa niyang sabi.
   
Natanong din si Jessy kung open ba siya na maging friends sila ni Angel Locsin, ex-girlfriend ni Luis.
   
Aniya, oo naman.
   
“I’m not saying na talagang chummy na friends, pero ’di ba, panahon lang ’yan, eh. Para sa akin talaga, kung saan siya masaya, okay. Kung saan ako masaya, ’yun.         “May mga kanya-kanya kaming buhay, so, parang it’s such a waste of energy kung palagi na lang tayong nagagalit sa isa’t isa para sa wala o kaya paulit-ulit na lang tayong lahat.
   
“Blooming naman siya ngayon, so, parang, ’di ba, ano pang sense kung bakit kailangan nating i-push pa ’yung issue na ’yun?”
   
Hindi na rin ba siya naaapektuhan kapag may mga nagsasabi pa rin na siya ang third party sa hiwalayan nina Angel at Luis?
   
“Hindi, kasi alam kong hindi totoo, eh. ’Pag alam mong hindi totoo ang isang bagay, hindi ka maaapek­tuhan.”