4,685 guests

Big names in Yolanda 3rd year commemoration in Tacloban

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 612
Tacloban Mayor Cristina Gonzalez-Romualdez Tacloban Mayor Cristina Gonzalez-Romualdez

DATELINE Tacloban:  Ang ikatlong taon ng pag-alaala ng pinakamamatinding bagyo na tumama hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo na kumitil ng libu-libong buhay sa buong Eastern Visayas lalung-lalo na ang Tacloban at mga karatig lugar ng Leyte at Samar ay sinimulan ng isang concelebrated mass sa Tacloban Astrodome na pinamunuan ni Msgr. Filomeno Bactol ng Naval, Leyte.

Faith, hope and love ang tema ng ikatlong taon ng Yolanda commemoration na pinamunuan mismo ng bagong alkalde ng Tacloban City na si Mayor Cristina ‘Kring-Kring’ Gonzalez-Romualdez at ng iba’t ibang local officials, NGO’s at iba pang sector na dinaluhan din ng ibang kilalang personalidad tulad ni dating Sen. Bongbong Romualdez Marcos, Sen. Cynthia Villar, Anton Lagdameo (dating kinatawan ng ikalawang distrito ng Davao at mister ng singer-actress na si Dawn Zulueta) at mga foreign official na nagmula sa iba’t ibang bansa tulad ng Amerika, Australia, Israel, Bangladesh at iba pang bansa.

Isang araw bago ang Nov. 8 Yolanda commemoration  ay nagkaroon ng hiwalay na misa at wreath-laying sa mass grave sa Holy Cross Memorial Park at Anibong Shipwreck Memorial Marker kung saan ang barkong M/V Eva Jocelyn ay sumampa at rumagasa sa ilang kabahayan na ikinasawi ng maraming tao. Since hindi na maibalik sa dagat ang barko ay ginawa na itong memorial marker at tourist attraction ng Tacloban.

Nagbigay din ng magkakahiwalay na mensahe ang mag-asawang Mayor Cristina Romualdez and former Tacloban mayor Alfred Romualdez, former Sen. Bongbong Marcos, ang kinatawan ng unang distrito ng Leyte na si Yedda Marie Romualdez at maging si Sen. Cynthia Villar. Nagtanghal din sina Kitchie Nadal, ang Leyte Dance Troupe at ang I Love Tacloban Band.

Samantala, matagal na palang nagbibigay suporta si Kitchie sa mga nasalanta sa Leyte dahil ang kanyang mga lolo’t lola ay mula sa naturang lugar. Mabuti pa si Kitchie. Hindi siya katulad ng isang sikat na young star na bihirang magbanggit, if at all, na siya ay lumaki at nag-aral sa Tacloban at hindi man lang nagpapaabot ng tulong sa mga taga-roon.
   
Well, balitang may hindi magandang karanasan ang pamilya kaya sila umalis roon at lumipat sa isang Visayan city na malapit lang sa Tacloban.

PANGULONG DIGONG, NAGPAHAYAG NG DISAPPOINTMENT SA NAKARAANG ADMINISTRASYON

SAMANTALA, dumalo si Pangulong Rodrigo ‘Digong’  Duterte sa third year commemoration ng Yolanda sa Tacloban, na ginanap sa Holy Cross Memorial Park sa Barangay Diit.
   
Libu-libo ang nakalibing sa mass grave na nakalagay sa likod ng private memorial park. Ang mga ito ay nilagyan ng mga marker ng mga kamag-anak, kahit na hindi sila sigurado kung nasaan ang kanilang mahal na yumao.
   
Libu-libong white crosses na animo’y Libingan ng Mga Bayani. Big hit si Pangulong Digong sa mga taong dumalo roon dahil sa kanyang talumpati.
   
Disappointed ang Pangulo sa nakaraang administrasyon sa mga tulong na dapat ay ibibigay sa mga nasalanta roon. Muli niyang pinasaringan ang nakaraang administrasyon na siniguro niya na ngayon, makararating na ang mga services na kailangan nila, lalo na ang mga pabahay, patubig at kuryente.
   
Nakikita naman ang ginawa  ng local government sa Tacloban na sa loob lamang ng tatlong taon ay muli itong nakabangon kahit na nga hindi sila masyadong natulungan ng national government. In the presence of Sen. Cynthia  Villar at anak niyang si DPWH Secretary Mark Villar, ma s nakatitiyak sila ngayon ng tulong mula sa national government.