5,242 guests

Angelica, kailangan nang bigyan ng titulo

  • Written by Chit Ramos
  • Published in Showbiz
  • Read: 674
Angelica Panganiban Angelica Panganiban

PARA kay Direk Mario delos Reyes, napapanahon na para i-elevate si Angelica Panganiban to a higher level bilang aktres, tulad ng mga kapanabayan niyang sina Angel Locsin, Bea Alonzo, Jennylyn Mercado, Anne Curtis among others, ‘ika nga.

Marami nang napatunayan ang may mala-birheng mukha na aktres, na ewan kung bakit mailap ang pagmamahal sa kanya ng mga lalaking minahal niya. Kung marunong lang siguro siyang maglaro ng kanyang baraha, matutuklasan niya kung gaano kahaba ang mga pipilang lalaking maghahangad na mahalin siya at sana’y pag-ukulan din siya ng pagmamahal.

Wala pang nababanggit si direk Mario na isang titulo para kay Angelica na aakma sa kanya. Puwede na sana ang “Hugot Queen” dahil hindi lamang blockbuster ang pelikula kung saan katambal niya ang de kalibreng aktor na si JM de Guzman, ang ‘That Thing Called Tadhana’.

Ilang ulit na ring ipinalabas ito sa mga sinehan, ganun din sa TV.

Paulit-ulit at hindi pinag-sasawaang panoorin ng moviegoers at televiewers.

Narito na naman ang pelikulang “The Unmarried Wife” mula  sa Star Cinema kung saan katambal niya sina Dingdong Dantes at Paulo Avelino.
   
Patutunayan na naman ni Angelica ang pagiging karapat-dapat niya na tawagin siyang isang Superstar, Star for All Seasons, Megastar o Diamond Star. Kaya naman ay Drama Queen, Comedy Queen, Unkabogable

Star, Primetime Queen o Ultimate Leading Lady,” pero, mayroon ng nagma-may-ari ng mga nasabing titulo.
   
Daanin na lang kaya natin sa pa- contest para matuloy na ang hangad ni direk Mario, at madlang pipol para kay Angelica. May dapat din kasing kalagyan ang mga loveteam  nina Daniel Padilla-Kathryn Bernardo, James Reid-Nadine Lustre at Enrique Gil-Liza Soberano.
   
Any suggestion?
  
MATTEO, SI SARAH AT P1M

HANDANG-handa na ang Waterfront Events Place sa Cebu sa bonggang concert na gagawin ni Mateo Guidicelli sa Nov.18.
   
Bakit sa Cebu at hindi dito sa Maynila?
   
“Ngayon lang nag-request ang mga kababayan ko at I can’t say no to them,” mabilis na sagot ni Matteo. “I have been entertaining my audience in Manila, but not in Cebu, kaya it’s about time.”
   
Hindi lamang mga requested song ang inihanda ni Matteo, kundi mga bagong awitin niya na nakapaloob sa bago niyang album.
   
Sobra-sobra ang pagmamahal ng mga Cebuano sa pamilya ni Matteo kung kaya’t magdo-donate pa sila ng isang brand new car na ipara-raffle sa gabing iyon.
   
Hindi naiwasan na tanungin si Matteo sa halos araw-araw niyang guestings sa Magandang Buhay. Minute to Win It, Tonight With Boy Abunda at Umagang Kay Ganda ang tungkol sa kanila ni Sarah Geronimo.
   
Matipid, subalit nagagawa na niya ngayong ipadama kay Sarah ang kanyang pagmamahal, lalo na nang tanungin siya ni Luis Manzano sa Family Feud ng “Ano ang pipiliin mo, sakaling manalo ka ng isang milyon sa “Last Man Standing? Si Sarah o ang one million?
   
Mabilis sumagot si Matteo: Si Sarah at ang one million.”

SHAINA, FOR FUN LANG DAW SI PIOLO

WALANG offer na hindi tinanggap ni Shaina Magdayao for the last three months. Gusto sana niyang mag-travel, pero, mas pinili niyang gawin ang mga project na inalok sa kanya, lalo na ang indie movie na may pamagat na “Lily” dahil bukod sa Visayan movie ang project, sa Cebu entirely kami nag-shoot. Taga-Cebu din kasi si Shaina.
   
“Urban legend ang story ng pelikula at sobrang nakakatakot. Sobra din ang pagiging emotional ko, dahil sa isang eksena ay tatagain ng taongbayan ang mukha ng bida dahil inaakalang aswang siya.
   
Na-realize din ni Shaina na napakalaki na ng progress ng Visayan movies. Kung dati’y hanggang P2 million lang ang itinulong ni Ronald Arguelles para sa project, dinagdagan pa niya ito. Ginawang P3 million na.
   
Incidentally, muling dininay ni Shaina na nagkaka-mabutihan na sila ni Piolo Pascual. Sweet na sweet daw kasi sila noong Star Magic Ball.
   
“Ganun din ang sinasabi nila last year. Pero, like last year, talagang we were all having fun lang,” ani Shaina.
   
“Pag magkakaroon na ako ng love life, hindi ko naman itatago.
   
Ini-enjoy ko muna ang pagiging single ko.”