4,550 guests

Therapy

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 432

Kondisyon ni Bong, tinututukan!

Lumabas na ang medical report ni Sen. Bong Revilla sa St. Luke’s Medical Center kung saan siya naka-confine simula pa noong Nov. 5 dahil sa pananakit ng ulo, pananakit ng kanang braso at pagsusuka.

Base sa medical certificate na ini-release ng kanyang doktor na si Dr. Cristina Valdez, the former senator was diagnosed to have the following: 1. Acute migraine’s headache without aura; 2. De Quervains Tenosynovitis of the Right Wrist; 3. Reactive Hypertension; and 4. Esophagitis and non-erosive Gastritis.
   
Ayon sa medical report, kasalukuyan pang naka-confine si Sen. Bong and being managed accordingly.    Nakontrol na ang migraine headache at na-inject na raw ang steroid para sa pamamaga ng wrist and due for physical therapy.
   
Nag-undergo rin ang former senator ng gastroscopy.
   
May ilan pa raw laboratory tests na gagawin kay Sen. Bong para malaman ang over-all health condition niya.   Kapag natapos na raw ang lahat ng tests, maaari nang makalabas ng hospital si Sen. Bong ngayong  Wednesday.

* * *

Umabot sa deadline of submission para sa Metro Manila Film Festival 2016 ang pelikula nina Vice Ganda at Coco Martin na may titulo na ngayong Super Parental Guardians.
   
Ito ang kinumpirma mismo ni Vice sa huli niyang panayam.
   
Matatandaang last year ay Coco-Vice rin ang isa sa entries ng Star Cinema for MMFF, ang Beauty and the Bestie.
   
Pero ayon kay Vice, ibang-iba ang Super Parental Guardians at kumbaga, next level na ito.
   
“Naiba! Kasi kung last year, kami lang dalawa ni Coco, this year, may kasama kaming Onyok (Simon Pineda) at Aura (Mcneal Briguella) kaya naiba ang dynamics,” sey pa ni komedyante.
   
Ang dasal lang daw ni Vice ay pumasok ang movie nila sa MMFF 2016.

* * *

Speaking of MMFF 2016, nagbigay ng official statement ang executive committee hinggil sa bagong patakaran ng taunang filmfest at ito ay ang tinatawag na picture lock.
   
Sa statement, ipinaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng picture lock.
   
Narito ang nilalaman ng official statement: “This year, the Metro Manila Film Festival’s executive committee introduced a most crucial policy change. Instead of basing the selection process on screenplays, as has been the practice for many years, it now requires the submission of finished movies.
   
“Our decision to accept films submitted and finished at the picture lock stage is merely a clarification of the rules and NOT a revision.
   
““This allows the refinement of all eventual eight finalists in terms of sound, music, color and visual effects, but definitely disallows any alteration to the edit of the film.
   
“For the information of the public, ‘picture lock’ is defined as a stage in film editing prior to online editing when all changes to the film cut have been done and approved.
   
“It is then sent to subsequent stages in the process, such as online editing and audio mixing. (Ascher, Steven and Pincus, Edward. The Filmmaker’s Handbook: A Comprehensive Guide for the Digital Age. 2007).
   
“Further, to shed light on the matter, we asked the opinion of two of the industry’s veteran film editors.        
   
Here, in their own words, is their definition of picture lock: ‘Isang buong pelikula na walang music, fx, grading etc. Hindi na pwedeng magalaw ang pelikula dahil naka-lock na nga, ibig sabihin, wala nang pwedeng madagdag o mabawas na eksena.
   
“Kung ang isa-submit ng producer ay picture lock at isang criteria sa pagpili ay technicality, na sa MMFF eh, 40%, ibig sabihin mababa ang score na makukuha nila sa technicalities, mahihirapan silang makapasok sa top 8,” Edgardo "Boy" Vinarao.
   
“‘Picture lock’ means Final Approved Offline edit of the movie, pwedeng may music o wala pero wala pang visual effects, color grading or any enhancement ng picture or ng video. Ang ‘Picture Lock’ or Final Approved Offline ang magiging basehan sa ‘online,’ meaning, pwedeng gawin lahat ng enhancement sa video at audio para mapaganda ang quality ng buong pelikula pero HINDI DAPAT GALAWIN ANG EDIT DAHIL ITO AY PICTURE LOCK NA,’” Danny Anonuevo
   
“Finally, this decision seeks to ensure that, come December 25, moviegoers will get the best and most superbly crafted movies they deserve.”