4,259 guests

‘Dedma’ sa panawagan ni Comm. Nick?

  • Written by Paul M.Gutierrez
  • Published in Opinion
  • Read: 250

MULI pa lang “nanawagan” si BoC Commissioner Nick Faeldon sa mga ‘stakeholder’ sa Aduana, partikular na sa hanay ng mga ‘importer’ na “tulungan” siya sa ’di umano ay “kampanya” niya laban sa katiwalian.

Ginawa ni Comm. Nick ang kanyang “apela” sa ginanap na ‘Stakeholders Consultation Forum’ sa PICC noong Biyernes.

“We are facing a great challenge: the challenge of eradicating the image of a corrupt Bureau.
   
“You know the extent of corruption in the Bureau of Customs -- if there still are corrupt practices. Kayo po ang nakakaalam.
   
“Why? It is you who go to the Bureau of Customs every day; it is you who transact business there every day,” ayon pa sa kanyang press release.
   
Kung babalikan, mga kabayan, “gasgas na plaka” na ang “hirit” na ito ni Comm. Nick na ilang beses ko nang narinig sa kanya -- sapul nang maupo siya sa puwesto noong nakaraang Hulyo.
   
Sa kanyang pagharap sa FFCCII ilang araw pa lang siya noon sa poder, ganito na rin ang kanyang mga katsang, agh, ‘statement,’ hehehe.
   
’Yun nga lang, tila ‘falling on deaf ears,’ wika nga, ang panawagang ito ni Comm. Nick?
   
Dangan nga kasi, “bistado” naman ng lahat na talamak pa rin ang korapsyon sa nasabing ahensiya.
   
Ayon pa nga sa ‘editorial’ ng PM tabloid kahapon… BASA! “Mag- aanim na buwan na sa Customs si Faeldon pero wala pa siyang maipagmamalaki na nahuhuling ‘malalaking isda.’
   
“Sa kabila na maraming gumagawa ng katiwalian doon, wala siyang madakma.” Aguy, aguy, aguy!
   
Hmmn. Hindi kaya kahit paano ay “nababasa” ng ‘editorial writer’ ng PM ang aking mga kolum kung saan ang pagiging “inutil” ni Comm. Nick sa paglaban sa mga ‘corrupt’ at ‘smuggler’ ang palagi kong “inirereklamo,” hehehe.
   
‘But to be fair,’ dear readers, may mga nahuli na ang BoC na mga “hebigat” na ‘smuggling attempts’ katulad ng mga tangkang pagpapalusot ng mga bawang, sibuyas at bigas.
   
’Yun nga lang, ’yung mga “operatiba” na nasa likod ng mga ito, nakagugulat na naalis sa puwesto, nye!
   
Hanggang “matunog” sa pantalan na ang BoC ay ‘open for business’ at “bukas” ang mga “tanggapan” ng Aduana sa mga “usapan,” naniniwala tayo na “mamamalat” sa “pakiusap” si Comm. Nick sa lahat ng ‘stakeholders’ pero, “walang papatol” sa kanyang apela.
   
Alam naman kasi nila na ‘press release’ lang ang panawagang ito, huhuhu!
 
Ngayon, kung mga katulad ni ex-DCI Jessie Dellosa ang maglalabas ng ganitong panawagan, aba’y natitiyak nating “magbabalyahan” sa ‘gate’ ng BoC ang mga gustong magreklamo.
   
“Kredibilidad” ang tawag dito, hindi ba, mga kabayan?