5,844 guests

Kristine at misis ni Paolo, halos sabay na nanganak

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 741
Kristine Hermosa-Sotto Kristine Hermosa-Sotto

HALOS magkasunod lamang na nagsilang ng kanilang baby ang misis ni Paolo Valenciano na si Samantha Godinez-Valenciano last November 2 at si Kristine Hermosa-Sotto nung nakaraang Sabado, November 5.

Baby boy ang ika-apat na anak ng mag-asawang Oyo at Kristine, si Marvic Valentin Sotto II na pinangalanan after his grandfather na si Vic Sotto.

Si Marvic Valentin (di pa namin alam ang palayaw ng bata) ay bunso sa apat na anak  ng mag-asawang Oyo at Kristine na sina Kristian Daniel (Kiel), Ondrea Bliss at Kaleb Hanns.  Si Kiel ay adoptive son nina Oyo at Kristine.

Baby girl naman ang isinilang ng misis niyang si Samantha na kanilang pinangalanang Nataleia (Leia) Godinez Valenciano.Si Leia ay kauna-unahang apo ng mag-asawang Gary at Angeli Pangilinan-Valenciano.  Ang baby ay apo rin ng Concert King at matalik na kaibigan ni Gary V. na si Martin Nievera dahil pamangkin niya ang misis ni Paolo na si Samantha sa kanyang half-sister na si Gina Tabuena-Godinez.

Hindi naman kaya naiinggit si Gab sa kanyang nakatatandang kapatid na si Paolo  na meron na itong anak samantalang siya at dating misis nitong si Tricia Centenera ay hindi biniyayaan ng anak bago sila nagkahiwalay?

Si Gab ay separated na sa kanyang wife of almost one year na si Tricia.

LIVE IN ISSUE KINA KYLIE AT ALJUR, MAUGONG

MUKHANG nauuso ngayon ang balikan among showbiz ex-couples tulad na lamang ng dating magkasintahang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado at Gerald Anderson at Bea Alonzo and most recently, sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla.
   
Nang mag-break sina Aljur at Kylie noong mid 2014, walang ibang babaeng na-link sa singer-actor habang nakadalawang boyfriend naman si Kylie at kasama na rito ang pinsan ni Rhian Ramos, ang chef na si Matt Henares, anak ng mag-asawang Ronnie at Ida Ramos-Henares.
   
Ngayong muling nagkabalikan sina Aljur at Kylie, ano kaya ang masasabi ng ama ni Kylie na si Robin Padilla na nasaktan sa break-up ng kanyang dalaga kay Aljur?
   
Sina Aljur at Kylie ay magkasamang nagbakasyon sa Tokyo, Japan nitong nakaraang long weekend holidays.
   
Sa isang panayam, inamin ni Aljur na never naman umanong nawala ang kanyang pagmamahal sa nakabalikang girlfriend pero ang mahigit na dalawang taon nilang hiwalayan ay doon lamang umano nila na-realize kung gaano nila kamahal ang isa’t isa.
   
Hindi rin naging issue kay Aljur ang pagkakaroon ng ibang karelasyon ni Kylie after their break-up.
   
Gaano kaya katotoo ang balita na nagli-live-in na umano ngayon ang dalawa?  Kung ito’y totoo, hindi naman kaya pumalag si Robin?

ROBIN TINULUNGAN NG ABS-CBN PARA MAKAKUHA NG US VISA

HANGGANG ngayon ay wala pa ring kasiguruhan kung mabibigyan ng US visa si Robin Padilla para makalipad papuntang Amerika to be with his American citizen wife na si Mariel Rodriquez-Padilla sa panganganak nito sa kanilang magiging first baby na naka-schedule on November 21.
   
Makatulong kaya kay Robin ang liham galing sa ABS-CBN na siya’y contract star ng nasabing major TV network?
   
Ang hindi pag-iisyu kay Robin ng US visa ay may kinalaman noon sa kanyang record bilang ex-convict nang  makulong sa New Bilibid Prisons dahil sa illegal possession of firearm .
   
Nalulungkot man si Robin ay wala siyang magawa kundi ang umasa na makapiling ang kanyang misis sa panganganak nito. Bagama’t nasa pangangalaga ng kanyang (Mariel) immediate family sa Amerika, iba pa rin siyempre `yung nasa tabi siya ng kanyang misis sa pinakamahalagang oras ng pagsilang ng kanilang unang supling, isang baby girl na may naghihintay ng pangalang Maria Isabella.
   
Excited naman ang “Encantadia” star na si Kylie Padilla sa kanyang magiging baby-sister sa kanyang step-mom na si Mariel.
   
Si Mariel ay nagkaroon ng dalawang magkasunod na  miscarriages last year na naging sanhi ng pagka-depress ng TV host-actress.

FRANCINE BALIK TRABAHO PAGKATAPOS NG KASAL

NGAYONG may asawa na ang dating Seiko Films sexy star na si Francine Prieto, ang American biologist na si Frank Shotkoski, gusto na rin ng 34-year-old  singer-actress na magkaroon sila ng baby agad-agad ng kanyang mister.
   
Sinabi ni Francine na dito pa rin sila sa Pilipinas magbi-base pero pabalik-balik na lamang ng Amerika ang kanyang mister.
   
Habang wala siyang bagong serye ay madalas namang makuhang guest si Francine sa iba’t ibang programa sa telebisyon at aktibo rin siya sa iba’t ibang singing engagements.