6,402 guests

Nasabik!

  • Written by People's Tonight
  • Published in Showbiz
  • Read: 693
Sarah Geronimo Sarah Geronimo

Ramdam na ramdam na ang pagba-balik ni Popstar Royalty Sarah Geronimo pagkatapos ng dalawang buwang bakasyon na first time niyang ginawa sa mahigit isang dekadang career.

“Yes, 100% back na. ’Yung mindset ko is talagang energized, mas motivated to work even harder. Kasi dumarating din sa stage ng buhay natin na ano ba ’yung purpose ko, bakit ko ba ito ginagawa, ano ba ’yung kulang? “And then I realized na you don’t work for other people to please them. ’Yung main goal mo dapat is to share whatever you have. Kung ano ’yung ibinigay sa ’yo ng Panginoon, regardless kung magbunga siya ng konti or sangkatutak.

“Ang pinaka-importante is to glorify and honor Him sa kung ano ang ginagawa mo sa buhay mo,” pahayag ni Sarah sa isang interview pagkatapos ng kanyang bakasyon na nagawa niya ang mga bagay na hindi niya naging priority noon.

Magpo-focus muna siya sa pagkanta pero meron na rin pinag-iisipang pelikula.

“I’d like to focus more sa music ko at i-promote ’yung mga nakaraang album ko. Hindi ko kasi talaga na-promote nang maayos. We are planning na talagang mailabas ’yung magagandang tracks dito sa latest album ko.

“Pitching pa lang ng new movie. Concert planning stage pa lang din po, TV shows, wala pa po,” dagdag na kuwento ni Sarah na kapapanalo lang Female Concert Performer of the Year sa isinagawang Star Award for M-TV para sa kanyang all-original song concert na From The Top na ginanap sa Araneta Coliseum last year.
   
At habang pinaghahandaan ang major concert at music ang kanyang gustong unahin, magkakaroon muna si Sarah ng special show para sa album niyang The Great Unknown na katatapos lang mag-platinum. Titled Sarah Geronimo The Great Unknown Unplugged, gaganapin ito sa Kia Theater, sa November 29, Tuesday, 8:00 p.m.
   
Ang ticket ay nagkakahalaga ng P2,500 (orchestra), P1,750 (loge), P1,000 (balcony). Available na ang sa TicketNet outlets. For inquiries, please call 911-555 or Viva Live 687-7236.
   
Matagal-tagal na rin ang last concert ni Sarah na From the Top sa Araneta Coliseum, December 2015 pa ’yun kaya sabik na ang fans na mapanood uli siya na humahataw sa entablado. Kaya kahit hindi major concert, todo naman ang ginagawang paghahanda ni Sarah dahil nasabik din siyang mag-perform para sa fans.