5,088 guests

Sunshine at Macky, lantad na!

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 654

In-open na uli ni Macky Mathay ang kanyang Instagram (IG) at isa sa mga bagong picture na pinost ay ang picture nila ni Sunshine Cruz. Second picture nila itong nakita namin na magkasama sila at nakaharap sa camera.

Very short ang caption ni Macky sa picture nila ni Sunshine. “I miss my #Behrouz partner so much. #mySunshine.”

Marami ang kinilig kina Macky at Sunshine, ang gaganda ng comment at isa na ang “So much love that you can’t help but finally post a picture of the both of you “no matter what...” I hope that the both of you will be “more free” soon coz you both deserve to be happy... Much love and kilig.”

* * *

Hindi na magtatampo kay Lovi Poe ang viewers ng Someone To Watch Over Me dahil nag-post na ang aktres ng picture nila ni Tom Rodriguez sa socmed. Nagtampo ang fans dahil puro na lang daw picture ni Derek Ramsay ang pino-post nito.

Nagpo-promote si Lovi ng Regal Films movie na The Escort na showing sa November 2. Hindi naman nakakalimutan ni Lovi ang STWOM dahil kahit sa presscon ng movie ’pag natanong sa teleserye, sumasagot siya.
   
Samantala, negative ang result ng drug test ni Tom na ginawa sa Hi-Precision Diagnostics Plus. Negative si Tom sa cocaine, ecstacy, methamphetamine, opium at tetrahydrocannabinol. 
   
Anyway, sa STWOM,  lumalala ang sakit ni TJ (Tom) at masasaktan niya uli si Joanna (Lovi). Dagdag na sakit kay Joanna na hindi na siya halos makilala ng asawa at si Irene (Max Collins) ang nakikilala nito.

* * *

Tawid muna si Ariel Rivera sa GMA-7 sa Afternoon Prime na Hahamakin Ang Lahat  na pilot na this Monday after Oh, My Mama! Maganda ang role ni Ariel bilang si Nelson Solano, pure Filipino na in love kay Ivy Tan, isang Chinese kaya hindi tanggap ng pamilya nito si Nelson.
   
Sa kanyang pagbabalik-Kapuso, hindi nakaramdam nang paninibago si Ariel dahil sabi nito, he’s working with beautiful people at blessed siya. Madaling natanggap ni Ariel ang offer ng GMA-7 dahil hindi exclusive ang kontrata niya sa kabila. Saka, nagustuhan niya ang material, puwedeng-puwede sa kanyang panlasa.

“It’s work” ang sagot ni Ariel nang sabihing naiwan niya sa ABS-CBN si Gelli de Belen. There was a time na sa GMA-7 si Gelli bago lumipat sa TV5 at sa Dos.

* * *

Monday sa Alyas Robin Hood, may bagong modus si Wilson (Dennis Padilla) at sa tulong ng manager ng Power Bank na may utang sa kanya, ililipat ang pera ng mga clients sa dummy account na ginawa ni Wilson. Kasama ang pera ni Judy (Jaclyn Jose) sa kooperatiba na pagpapagamot ng cancer ni Cynthia (Sue Prado).
   
Sinundan ni Pepe (Dingdong Dantes) si Wilson sa Power Bank sabay ni Judy.  Ibabalita ni Judy kay Pepe na nawala ang ipon nila sa bangko, kasama sa millions na na-withdraw ni Wilson. Pagsakay ni Wilson sa kotse, nasa loob si Pepe at babanggain nito ng pintuan ng kotse ang noo ni Wilson at hihimatayin.
   
Kasama na sa Alyas Robin Hood si Joross Gamboa bilang si Jojo the Magician. Susundan nito sina Venus (Andrea Torres) dala ang susi nina Venus na nakuha niya habang nasa plaza sina Venus.