7,955 guests

Boobs ni Lovi, protektado ni Derek

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 608
 Lovi Poe & Derek Ramsay Lovi Poe & Derek Ramsay

VERY thankful si Lovi Poe sa ginawang pag-aalaga sa kanya ng kaparehang si Derek Ramsay sa kanilang mga love scenes sa The Escort na showing sa Wednesday, Nov. 2.

“May mga cover naman ’yung katawan ko, pero min-san, may mga lumalabas-labas kaya nakadikit talaga ako sa kanya. Sabi niya, ‘Lovi, don’t worry, ako ang bahala sa ’yo.’ And naram-daman ko naman talaga ’yon na very sincere si Derek, very maalaga,” kuwento ng aktres.

Regarding the dog-style scene, inamin ng aktres na si Derek daw talaga ang nag-inisist na huwag niya itong gawin.

“Ako kasi, if my director wants me to do something I’m very obedient. Kumbaga, as an actress, go lang, ganu’n lang naman yung ugali ko.

“Do’n ko nga nakita kay Derek na kahit lalaki siya, some guys would take advantage of the situation pero siya hindi,” sabi pa niya.

Dagdag pa niya, “I think that’s just who he is as a person. You’ll feel secure sa kanya.”

Meron na ba siyang naka-love scenes dati na naramdaman niyang pa-rang nag-take advantage sa kanya?

“Hindi naman sa… I can’t say na nag-take advantage or whatever, pero some people get carried away. Basta ganu’n. Kasi ako, babae naman ako and for me, ’yung mga ganyang bagay it’s very easy to control, pero sa lalaki, ewan ko lang,” natatawa niyang pahayag.
   
Samantala, controversial din ang love scene nina  Jean Garcia at Derek sa The Escort. Hindi maiwa-sang mapahalinghing ni Jean habang niroromansa siya ng aktor sa kanilang eksena sa bath tub. Tumirik talaga ang mata ni Jean pero siyempre, part lang yon ng kanyang trabaho.
   
Si Enzo Williams ang direktor ng The Escort.