5,597 guests

Iza, kinuhang jury sa Hanoi International Film Festival

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 383

MAGHAHATID ng karangalan sa bansa ang premyadong aktres na si Iza Calzado sa pagpunta niya sa Vietnam kahapon para dumalo sa Hanoi International Film Festival 2016.

Napili si Iza na maging jury sa nasabing international filmfest kung saan maihahanay siya sa mga kinikilalang world class/internationally respected film personalities.

Siyempre, isang honor ’yon hindi lang kay Iza kungdi maging sa ating bansa rin, huh!

* * *

PINAUUBAYA  nang talaga ni Andre Paras ang basketball sa nakababatang kapatid na si Kobe. Ang palawakin ang kaalaman sa sining ang sinusubok niya ngayon bukod sa pag-arte.

Just recently, pinasok ni Andre ang photography. Ngayon naman, ang paggawa ng kanta ang pinasukan niya na pinost ang video nito sa Instagram account niya.

“I just created my own song on Garageband. I call it ‘run away runway model.’ It’s not yet done and I honestly don’t know how to finish it but all I can say is this is super fun. I hope I can get better at it and just make chill sounds and maybe one day out vocals in it lemme know what you guys things,” saad ni Andre sa IG.
   
Sa pag-arte naman,napapanood si Andre every Sunday sa Usapang Real Love bilang kapareha ni Mikee Quintos.

* * *

LABANANG fan versus idol ang mapapanood sa pagsisimula ng GMA afternoon series na Hahamakin Ang Lahat.
   
Si Eula Valdez ang fan dahil aminado siyang idol niya si Snooky Serna noon pa mang ginawa ng huli ang teen movie na Underage. Eh, sa series na pagsasamahan, magkalaban sa pag-ibig ni Ariel Rivera ang dalawa, huh!
   
Produced ng Regal Films ang Hahamakin Ang Lahat na pinagbidahan ni Vilma Santos. Pero iniakma ito sa makabagong panahon. Bida rin rito ang loveteam ng ex-lovers na sina Kristoffer Martin at Joyce Ching.