5,575 guests

Epy, Mylene at Joel, sumugod sa Crame para magpa-drug test

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 518

Kabilang na sina Joel Torre, Epy Quizon at Mylene Dizon sa mga artistang nagpa-drug test at para hindi na kuwestyunin ang magiging resulta ng kanilang drug test, sa PNP HQ mismo sa Camp Crame sila nagpa-drug test.

Sinamahan si Epy ni Cesar Montano na malapit sa administrasyon ngayon at ipinakilala ni Cesar si Epy kay PNP Chief Ronald dela Rosa. Sinamahan pa raw ni PNP Chief si Epy nang magpa-drug test, pero bago ’yun, nag-lunch muna ang tatlo sa office ni PNP Chief.
   
Walang picture na lumabas kina Joel at Mylene, pero nagpa-drug test na rin daw ang dalawa para ipaalam na hindi sila gumagamit ng droga.
   
Naalala namin si Christopher de Leon na nakausap ng press after ng premiere night ng The Escort sa SM Megamal. Ang suhestiyon ni Boyet, unahing magpa-drug test ang mga nagtatrabaho sa gobyerno mula sa mga senador, congressmen kung gusto talaga ng gobyerno na malinis ang bansa sa mga drug users.

* * *

Masaya si Christopher de Leon sa The Escort  at pati sa role niya. Pag-uusapan ang eksena ng aktor nang hubarin ang red panty na suot ni Lovi Poe. Kung ano ang sumunod na eksena, panoorin ninyo ang movie na showing sa November 2.
   
Birthday ni Boyet bukas, Monday, sa beach resort nila sa Batangas siya magsi-celebrate ng birthday. Ang mag-hit ang The Escort ang birthday wish nito at peace

sa ating bansa. Ipag-pray daw nating lahat ang Pilipinas.

* * *

Pinangunahan nina Maricel Laxa, Paolo Abrera at Christine Bersola-Babao ang Be A Wall campaign ng Sanofi “to mobilize the citiczenry in a nation-wide campaign against the spread of dengue.” Special guest sa presscon si Dr. Lulu Bravo, president of the Philippine Foundation for Vaccination.
   
Kaya siguro napili ang tatlong celebrity na pangunahan ang Be A Wall Campaign dahil pareho nabiktima ng dengue sina Christine at Maricel. Si Christine, three times na-dengue, si Maricel, twice nagka-dengue.
   
Sa nasabing presscon, ipinaalam ni Dr. Bravo na may available free vaccine na, kaya lang, from nine years old to 46 years old lang ang puwedeng magpa-injection. Aabutin ng ilang taon para ma-develop ang injection against dengue for all ages.
   
Ini-launch din ang TVC ng Be A Wall Campaign and by now, umeere na siguro ito sa mga istasyon ng telebisyon. Kaya lang, mas maganda siguro kung Tagalog ang ginamit sa TVC para mas madaling maintindihan.
   
“As responsible Filipino moms, let our voices be heard to raise awareness on dengue and let’s spred the good news that it is now a vaccine preventable disease. Each of us can now be a wall against dengue,” sabi ni Maricel.

* * *

Nanood sa concert ng T.O.P. si Mikee Quintos na nali-link kay Louie Pedroso, isa sa member ng T.O.P. Nakitang kumukuha ng picture si Mikee at naki-sing-along.Tinukso ito ng mga kaibigan nang harutin ni Kim Domingo ang grupo. Sayang at hindi nilapitan ni Louie si Mikee, natuwa siguro ang kanilang fans. 
   
Maganda ang concert ng T.O.P. at pinatunayan nina Louie, Adrian Pascual, Joshua Jacobe, Mico Cruz at Miko Mangubat na mahu-say silang singers at performers. Konting push pa at makikilala ang grupo na isa sa may pinakamagan-dang blending sa mga ba-tang grupo. Swabe ang boses ng T.O.P.
   
Samantala, second week na ngayon ng Perfect Fit episode ng Usa-pang Real Love o URL. Malalaman na kung bakit nagkahiwalay ang kambal na sina Cindy at Ella (Mikee) at kung sino sa kanila ang mas magugustuhan ni Eugene (Andre Paras). Napapanood ang URL after ng GMA Blockbusters sa direction ni Jorron Monroy.

* * *   

Nanood din ng concert ng T.O.P. sina Mikoy Morales at Thea Tolentino, patunay na tama ang inamin ni Mikoy sa isang reporter na nagkabalikan sila ni Thea after mag-break. After namin sila makasalubong sa Music Museum, mag-deny pa kaya si Thea na boyfriend niya si Mikoy?
   
Si Thea lang kasi ang nagdi-deny at inulit niya ito sa presscon ng Hahamakin ang Lahat, hindi maintindihan ng press kung bakit kailangan nilang mag-deny. Gaya ng nasabi namin, pareho silang single at nasa right age na, kaya walang dahilan para mag-deny.
   
Anyway, mapapanood si Thea sa Hahamakin ang Lahat bilang kontrabida uli na in fairness, ang galing na niyang gampanan. Aapihin at guguluhin nito ang buhay nina Joyce Ching at Kristoffer Martin. Bukas na, after ng Oh, My Mama! ang pilot ng Afternoon Prime ng GMA-7.