4,558 guests

Allen, natikman ng pokpok

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 545

TRUE blooded Kapampangan ang multi-awarded actor na si Allen Dizon. Lumaki, nagbinata at nagka-pamilya siya sa Pampanga. Ang Area  na kilalang-kilala ay bahagi ng sekswal na buhay ng mga kabataang Kapampangan. 

Madalas dito dinadala ang mga binibinyagang mga binatilyo upang maging ganap na lalaki. Noon ay tunay na malaki ang sex trade dito pero sa tagal ng panahon ay pawala na rin ang Area na bahagi ng kasaysayan ng Angeles.
   
Ayon kay Allen, naging laman din siya noon ng Area.
   
“Kasinungalingan kung sasabihin ko na hindi ako tumikim ng babae sa Area noong bagets pa ako. Kapampangan ako, kami ng aking ay barkada dumadayo talaga du’n noong araw. Hindi naman madalas pero parte ’yon ng adventure ng mga lalaki dito sa Angeles,” kuwento ng aktor.
   
Sa pelikulang Area ay papel ng isang “kasador” or nagma-may ari ng kasa ang ginampanan ni Allen.
   
“Hindi stereotype na may ari ng casa ang karakter ko na ’yung tipong nananakit at nagpapahirap sa mga babae. Although, ginagamit ko sila upang mabuhay ang pamilya namin, makatao ang turing ko sila, pinapakain ko sila at inaalagaan.
   
“Guilt ridden” ang karakter ko sa kuwento dahil sa ikinabubuhay namin kaya may panata ako na magpenitensya tuwing Semana Santa. Nagpahiwa talaga ako sa likod para mas maramdaman ko ang eksena,” sabi pa niya.
   
During the pressconference, naitanong sa award-winning actor kung posible ba na ma-in love siya sa isang pokpok. Ang sagot niya, “Bakit naman hindi. Pagdating sa pag-ibig lahat ay pantay-pantay. Pare-pareho tayong tao na may kapasidad na magmahal. Wala ako sa posisyon para humusga. Saka ’pag mahal mo, kahit ano pa siya tatanggapin mo. Kaso pamilyado na akong tao at apat na ang mga anak ko, kung noon siguro baka puwede,” paliwanag ni Allen.
   
Showing na ang Area sa November 9. Bukod kina Allen at Ai-Ai Delas Alas kasama rin sa pelikula sina Sue Prado, Sarah Brakinsiek, Ireen Cerventes, Tabs Sumulong at Sancho Vito Delas Alas. Mula ito sa panulat ni Robby Tantingco, sa direksyon ni Louie Ignacio at handog ng BG Productions International.
   
Ang pelikula ay Graded A ng Cinema Evaluation Board, Special Jury Prize sa 12th Eurasia International Film Festival sa Kazahkstan at “official selection” sa A film festival na Tallinn Black Night Film Festival sa Estonia.