6,301 guests

Ingat sa pagiging tuso ni Uncle Sam!

  • Written by Marlon Purificacion
  • Published in Opinion
  • Read: 281

MAY katwiran si dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor  Joseph ‘Erap’ Estrada sa ipinalabas nitong babala kay Pangulong Rodrigo Duterte laban sa bansang Amerika.

Mismong si Estrada kasi ay nakaranas kung paano siya gipitin ng bansang Amerika noong presidente pa siya ng Pilipinas.

Kaya nga hindi nagtagal sa Malakanyang si Erap kasi, isa sa nakikitang dahilan ng kanyang kampo ay ang hindi niya pagsunod sa ilang nais ipagawa ni Uncle Sam.
   
Positibo ang naging tugon ng Duterte administration sa  babala ni Erap laban sa bansang Amerika.
   
Ikinukonsidera nila ang mga payong ito dahil kahit sila ay hindi nagtitiwala sa anumang posibleng ganti na ibibigay ng Amerika sa kasalukuyang administrasyon.
   
Nilinaw na ni Duterte na ‘separation of foreign policy’ ang gusto nilang mangyari ngayon at hindi nila tinatalikuran ang Amerika bilang bahagi ng diplomatic relationship.
   
Kaisa tayo ng Pangulong Duterte sa pagbasura sa anumang pakikialam na gusto ng bansang Amerika. Kabilang din tayo sa milyun-milyong mamamayan na panahon na para ipamukha sa Estados Unidos na hindi habang panahon ay magpapaalipin tayo sa mala-imperyaslitang pamamalakad ng Amerika.
   
Pero sana, naging hudyat na rin ito para sa lahat ng ating kababayan na manatiling mapagbantay sa posibleng pananabotahe na gawin ng bansang Amerika bilang ganti sa pamahalaan ni Duterte.
   
’Wag sana nating kalimutan na kahit ano ay gagawin ng Amerika ngayon para lamang maipakita nila sa buong mundo na kailangan natin sila.
   
Isa sa nakita kong pananabotahe na posibleng gawin ng bansang Amerika ngayon ay ang paglaganap ng terorismo.
   
Sa ganitong paraan nila maipapakita na hindi kasing-‘tibay’ ng bakal ang Duterte administration dahil kapag problema sa terorismo na ang mangingibabaw, tiyak na lalambot ang pinakamamahal nating pangulo ng bansa.
   
Bukod dito, dapat ay ingatan din natin ang iba pang pananabotahe na posibleng gawin ng Amerika tulad na lang ng paglaganap ng ilang sakit na posibleng ipakalat nila sa Pilipinas.
   
’Wag sana nating kalimutan ang paglaganap ng Avian Influenza virus A1 (H7N9) virus; ang yellow fever, MERSCOV noong taong 2015; ang Melamine na contaminated na nakita sa mga infant formula sa bansang China noong taong 2008; ang SARS virus at ang H1N1 o swine flu noong 2009 o 2010.
   
Walang katiyakan, pero may nagsasabi na ang mga nasabing sakit ay pakana ni Uncle Sam bilang pananabotahe at pagpapakita na sila pa rin ang pinakamakapangyarihan sa buong mundo.
   
Sana ay hindi mangyari sa atin ito.