5,196 guests

Derek, pabor ilabas ang celebrity drug list

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 462
Derek Ramsay Derek Ramsay

Kung si Derek Ramsay ang tatanungin, pabor siya na i-reveal sa public ang celebrities na nasa listahan ng mga guma­gamit ng prohibited drugs.

“We, celebrities, that doesn’t make us better than everybody else. We’re still the same as everybody. If you are involved with illegal substances and you don’t want to stop, you should be put out there,” pahayag ni Derek.

Hindi naman daw niya kinakalaban ang mga fellow celebrities pero bilang isang artista ay may responsilbidad daw sila sa publiko na magbigay ng magandang halimbawa.

Pero dapat daw, kung maglalabas man ng names of celebrities na nasa drug list, dapat ay sigurado.

“For me, what’s important, bago sila maglabas, dapat talagang sigurado kasi masisira mo ang buhay ng tao.

“So if it’s just hearsay, I don’t think you should ano, but if you’re 100% sure na this person was giving the chance to stop what they’re doing, pero patuloy pa rin, I think, yes, you should expose that out to the public because as a celebrity, niloloko mo ‘yung mga taong naniniwala sa ’yo.
   
“For me pa nga, we have more responsibility because there are so many people, especially the youth that look up to us na you’re lying to people if you’re saying like your certain way, pero ‘yun pala, nagtutulak ka ng droga.
   
“Pero again, dapat talaga, siguraduhin kung gumagamit or tumutulak,” he said.
   
Sa nagtutulak daw siya mas against at hindi sa user.
   
“Kasi, there could be so many reasons kung bakit gumagamit ng droga ang ibang tao. We’re not all as strong as one another, we’re not all as lucky to have a strong family that’s together.
   
“A lot of these kids out there have broken families kaya sila napupunta sila sa droga or sa hirap ng buhay, napupunta sila sa droga. So, we can’t judge these people as bad people just because they’re hooked on illegal substance,” pahayag pa ng bida ng pelikulang The Escort.
   
Samantala, on his latest film, The Escort, na showing na sa Nov. 2, very thankful si Derek na isa siya sa masuwerteng artista na nabibigyan ng chance na makatrabaho na lahat ng mahuhusay at magagandang leading ladies magmula kay Judy Ann Santos, Anne Curtis, Bea Alonzo, Toni Gonzaga at ngayon ay si Lovi Poe naman.
   
Inamin din ni Derek na siya pala dapat ang gaganap sa role ni Sam Milby sa The Third Party pero dahil ginagawa niya nga itong The Escort ay nagkaroon ng conflict sa schedule.
   
Pero may panibagong offer daw sa kanya ang Star Cinema na isang sexy film din with Maja Salvador naman.

* * *

Regine Tolentino continues to move forward matapos ang hiwalayan nila ng asawang si Lander Vera Perez. It’s been a year and a half since they got separated at noong una raw talaga ay mahirap pero ibinuhos niya ang lahat ng depresyon at kalungkutan sa pagsasayaw which is her passion eversince.
   
“That’s how I was able to cope -- with dancing,” sey ng Dance Dive at Zumba Queen of the Philippines nang makausap namin sa 2nd Zstar Ball event na siya mismo ang nag-organize held recently.
   
“There are times na wala talaga ako sa mood, and I feel so depressed and I feel so ugly. Mga ilang months din ‘yun, and I’m still stuck to it, eh. Alam mo, may mga times talaga na wala ka naman sa mood, eh pero kailangan mo talagang pilitin kasi trabaho mo, commitment mo, medyo hinahanap na rin ng katawan.
   
“So, it was really hard na medyo naiiyak ka, pero sumasayaw ka ng happy, but because ’yung energy ng tao, they give it back,” patuloy ni Regine.
   
Pero alang-alang nga sa dalawa  niyang daughters na ngayon ay mga dalaga na, sina Reign and Reagan, talagang kinakaya niya itong malampasan.
   
“I always try to stay positive and that’s what helps me get through everything. I have my mindset on where I wanna go sa buhay, sa career, sa family and that’s what keeps me healthy and strong -- that motivation. I’m so inspired sa trabaho kasi it’s dancing, eh. That’s my passion. It’s what keeps me alive and what keeps my heart pumping and I’m just very fortunate na nase-share ko ’yun sa mga tao and I get that energy sa kanila,” she said.
   
Nabanggit din ni Regine na she’s planning to legalize her separation with Lander pero hindi na siya nagbigay ng iba pang detalye.
   
Samantala, succesful ang 2nd Zstar Ball ni Regine na pinaghalong beauty pageant (Ms. Dance Fitness Philippines) and fashion show featuring her collections of gowns na siya mismo ang nag-design.
   
Kinoronahan nang gabing iyon ang nanalong Ms. Dance Fitness Philippines at kasabay nito ay inanunsyo na rin ang mga kandidata for  next year (2017).