6,378 guests

Derek, umayaw sa ‘dog-style’ position ni Lovi

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 745

MAY isang sexual position na ipinapagawa si Direk Enzo Williams kina Derek Ramsay at Lovi Poe sa pelikulang The Escort ng Regal Films pero hindi nila ito ginawa.

Ayon kay Derek, hindi magandang gawin ang eksena.

“It was  parang very rough na, parang doggy style na position. ’Yung kamera nakaharap pa sa mukha ni Lovi and then sabi ko ‘no!’  I think this would not be good for you (Lovi), ako na ang bahalang kumausap sa kanya (Direk Enzo).”
    
Willing naman daw si Lovi na gawin ang dog-style scene.
    
“Alam mo, kung hindi ako nagsalita, gagawin niya. Kaya nga sabi ko, sobrang palaban.”
    
Eh, bakit hindi pa nila ginawa?
    
“I don’t think it would be good for her, so I told her, you know… and I spoke to Direk and sabi ko, ‘Direk, parang hindi ’ata fit itong eksenang ito. At the end of the day it’s your decision, pero I strongly suggest na ibahin natin and I have a couple of suggestions if you’re willing to hear it’ and he said ‘yeah, let me know.’ And he listened to my suggestion and that’s what we did,” kuwento pa ng aktor.
    
Dagdag pa ni Derek, mas naging okey daw ang eksena nu’ng nawala ’yung dog-style scene.
    
“It came out sexier and more appropriate. Lovi didn’t look like someone that was being abused,” sey pa ng ni Derek.
    
Hirit pa niya, “Kasi, ’yung naunang ipinapagawa, it’s too much in the sense that it wasn’t fit in the story. Parang ako, hindi naman ’yon ’yung character na pino-portray ni Lovi dito, so bakit natin ilalagay ’yon? Direk completely agreed with me and we shot it in a different way,” paliwanag pa niya.
    
Sa Nov. 2 pa ipapalabas ang The Escort at bukod kina Derek at Lovi, kasama rin sa pelikula sina Jean Garcia, Dimples Romana at marami pang iba. Produce ang pelikula ng Regal Entertainment.