4,786 guests

Michael, umatras sa Big Dome concert

  • Written by Bong De Leon
  • Published in Showbiz
  • Read: 420
Michael Pangilinan Michael Pangilinan

WITH the coming of Michael Pangilinan’s open concert at the very prestigious Rajah Soliman garden in Manila near  the all-time favorite Aristocrat resto in Roxas Boulevard, all roads surely will lead to the free concert. Ang unang plano niya at ng kanyang manager ay magtanghal sa Big Dome, pero on second thoughts, minabuti nilang  huwag na muna. Mas mahalaga  ay  mabigyan ng kasiyahan ang mga naniniwala  sa kanyang talento bilang isang singer—his fans,  mga kaibigan  in and out showbiz  at  ang  mga millennial  who admire  his voice, his performance and his total persona, for free.

Sa presscon ng kanyang second album sa Music Box, nagbigay siya ng samples ng mga awitin niya na ikinabaliw  ng press na dumalo.  Mga tatlo lang sana ang ipatitikim niyang kanta pero ginanahan si Michael  at naging isang free mini concert na ito.  Ilan sa mga  awitin from his self titled Michael Pangilinan album ay Tayo Na Lang, Hanggang Kailan, Sana, Tag-araw_ Tag-ulan, Tanging Ligaya  Ko, Everything I  Own, Angel, Pare, Mahal Naman Kita  plus bonus tracks like Bakit Ba Ikaw, Kung Sakali, Pare , Mahal Mo Raw Ako,  The Love Affair, Sailing  theme   and Parang Tayo Pero Hindi.

This early masasabi nating this is the dawning of his career. But if you ask him he humbly says, “Nagsisimula pa lang po. Kung may kaunti na po akong narating, ‘yan ay dahil na rin sa suporta na binibigay ng mga taong nagmamahal sa akin.”

Nangako si Michael na lalong pagbubutihin ang kanyang career at hindi siya magbabago. Maybe, change for the best.  Marami rin siyang  maling decision sa buhay pero lahat naman ay inilalagay na niya sa ayos.

Meanwhile, his free concert  is  through the help of Manila Mayor  Joseph Estrada. Set on November 26, 6 p.m., he will some big names from the industry as guests.

WHAT’S SHOCKING?

WE are not shocked at all sa mga  mga intrigang lumalabas sa ngayon na wari mo’y the world is ending na. Sa politics, nag-viral  ang potshot  ni Agot Isidro against President Digong Duterte. At least, babaeng may balls si Agot na walang takot  i- express ang kanyang paniniwala. Kailangan ba ni Agot na magpa kontrobersiyal?  Parang ‘di naman kasi kahit  tahimik ang kanyang career wala  naman siyang pakialam kasi well-off naman ang pamilya Isidro. Weather- weather lang lahat ‘yan. Marami naman talagang bashers ang president. ‘Di natin alam  kung  gusto lang nilang mag -grandstanding  o sadyang  masama na ang tingin nila sa nangyayari sa atin.
   
Kung kami ang tatanungin   sobra- sobra na ang mga  kaguluhan,  but  hindi lang dito sa atin kundi maging sa America.  Si Donald Trump nga,  walang takot na sinabing rapist si former President. Si Hillary Clinton, magnanakaw raw.  The worst  is yet to come. Kung magka-World War 3 man, tahimik na tayo.

REVERSAL OF FORTUNE ON ‘BUBBLE GANG’

LOADED sa guest ang Bubble Gang- sina  Kris Bernal, Aljur Abrenica,  Winwyn Marquez, Arra San Agustin,  Jak Roberto, Arian Bautista, Michelle Kain, Mikoy Morales  at Jackie Woo.  It will open with gags about Senate hearings. Watch out for Michael V in a struggle singing songs about gays from the heart.  There’s this gags about a cellphone company recalling their products after reports of battery explosion. Well, in a reversal of roles, watch a group of girls whistling and harassing a guy. More in the Friday night treat on Bubble Gang.