6,752 guests

Bangkay na walang ulo natagpuan sa Baguio

  • Written by Cesar Reyes
  • Published in Provincial
  • Read: 439

BAGUIO City -- Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan na walang ulo sa kuwarto ng ikatlong pa-lapag sa 255 Bronze St., Upper Quezon Hill, ayon sa report sa Baguio City Police Station 1 ni Pio Misola, barangay kagawad ng Upper Quezon Hill, kamakalawa.

Kinilala ang bangkay ni Alfred Sabado Juquiana, 49, pamangkin ng biktima, sa pamamagitan ng tattoo nito.
   
Ayon sa mga kamag-anak, ang biktima ay empleyado ng Baguio City Hall bilang drayber sa City Environment Parks and Management Office (CEPMO).
   
Kinordon ng mga rumespondeng tauhan ng Baguio Police Station 1 ang lugar at siniyasat ng koponan ng Baguio City Crime Lab. at Scene of the Crime Operatives ang lugar ng pinangyarihan.
   
Ayon sa pulisya, nakabukas ang pintuan ng kuwarto at walang senyales na puwersahang binuksan ito at ang kuwarto ay nakakandado.
   
Nakitaan din ng dalawang hindi pa bukas na sachet ng shabu, lighter, aluminum foil na may bahid ng dugo at glass vial sa ibabaw ng mesa sa kuwarto kung saan natagpuan ang bangkay.