6,349 guests

Angelica at Paulo, nagiging close

  • Written by NEL ALEJANDRINO
  • Published in Showbiz
  • Read: 1114

O, HAYAN at klinaro na ni Maja Salvador na wala silang relasyon ni John Lloyd Cruz bagamat they often go out together.

In fact, inamin din ni Maja that she’s dating someone. Pero ’di niya klinaro kung taga-showbiz ang guy o hindi.

Medyo matagal na ring loveless itong si Maja. Wala tayong nabalitaang ipinalit niya kay Gerald Anderson when they broke up nearly two years ago.
   
No need to tell you that these days, focused si Gerald at winning back former sweetheart Bea Alonzo.
   
Though no longer in the cast of FPJ’s Ang Probinsyano, Maja still performed sa pa-concert kamakailan ng Dreamscape Entertainment Television in celebration of the series’ first anniversary.
   
Asked nga pala kung gaya ni Bela Padilla, she will rejoin Ang Probinsyano,  ang nakangiting sagot ni Maja: “Wait n’yo na lang.”

* * *

what keeps Maja busy these days are personal appearances in key cities here and abroad.
   
By the way, may dahilan why Maja appears overwhelmed these days. Her last project before Ang Probinsyano, ang Bridges of Love, is nominated for best series in the upcoming International Emmy Awards.
   
Nakasama niya sa Bridges of Love sina Jericho Rosales at Paulo Avelino.

* * *

Hindi raw magdadalawang-isip si Zanjoe Marudo na tumanggap muli ng gay role  o kaya’y lalaking syota ng gay tulad ng ginagampanan niya sa The Third Party.
   
Sa movie kasi, magka-live-in sila ni Sam Milby. Imagine kung ano ang mga kaganapan sa movie when the latter’s supposed college ex-girlfriend (played by Angel Locsin) decided na tumira sa kanila.
   
“Riot,” ani Zanjoe. “Pero riot na nakatutuwa, medyo nakaka-tense athough mararamdaman ng manonood ang iba’t ibang uri ng pag-ibig na puwedeng umiral sa bawat taong umiibig.”

* * *

Tanong lang, Ian F.: Gaano katotoo ang balitang nagiging closer sina Paulo at Angelica Panganiban sa set ng first movie nila together, ang The Unmarried Wife?
   
Well, wala kaming makitang dahilan para kuwestiyunin ito halimbawang totoo.
   
Bagama’t may anak si Paulo kay LJ Reyes, hindi siya kasal dito. May bago na rin namang mahal si LJ, si Paolo Contis.
   
Angelica and Paulo look good together.