4,636 guests

‘Who could she be now?’

  • Written by Paul M.Gutierrez
  • Published in Opinion
  • Read: 478

LAST Sunday’s night was one of those nights I find it hard to sleep so I went back to reading the speeches of the well-known Roman orator (and consul), Marcus Tullius Cicero, in particular, his defense of an accused murderer, Aulus Cluentius Habitus in 66 BC.

The interesting part, dear readers, is where Cicero accused the suspect’s own mother, Saissa, of being part of the “plot” to ruin her own son -- after earlier causing the ruin of her own daughter, Cluentius’ own sister -- when Saissa succeeded in seducing her daughter’s husband or her own son-in-law.
   
This is how Cicero described the older woman, Saissa, who defied the existing convention of those days by her aggressive pursuit of her own lust for her daughter’s husband: “What unbelievably atrocious behavior that woman displayed!
   
“Indeed, her conduct must surely be quite unparalleled and unique. Her sexual desires must truly have been insatiable…
   
“In her sensual frenzy, there was no obstacle which she forebore to break through and trample down out her way. Modesty was overcome by passionate lust, caution by unbridled recklessness, reason by mania, uncontrollable.”
   
Sa ating sariling wika, aba’y “sobra” naman ang kalibugan ng babaing ganito, hindi ba, mga kabayan? Na ang sariling reputasyon, estado sa lipunan at dignidad bilang isang babae at ina ay wawasakin lang dahil sa “tawag ng laman.”
   
But speeding up to the present, Saissa’s reputation and misdeeds, somehow reminds me of a “someone” of high standing today in our society whose own modesty was found have been overcome by her “passionate lust,” her caution thrown to the wind by her “unbridled recklessness” and reason, by her own mania running “uncontrollable.”
   
In the crumbling days of the Roman Republic when Cicero made the speech in defense of his client (who was acquitted), there was a really despicable woman named ‘Saissa.’
   
Today, do we also have another ‘Saissa’ in our midst? Who could she be now? Anyone in particular, dear readers?
   
‘Raid o ‘robbery’
 
sa BoC Zamboanga?
   
Sa pagbisita ni Department of Agriculture (DA) Sec. Manny Piñol sa Zamboanga City ngayong linggo upang alamin ang “sitwasyon” ng ating mga magsasaka at mangingisda sa Mindanao, mainam sigurong kausapin na rin niya ang mga opisyales ng Bureau of Customs (BoC) doon.
   
Dangan kasi, mga kabayan, nalaman natin na noong Oktubre 6, araw ng Huwebes, nagkaroon pala ng ‘anti-smuggling operation’ ang BoC sa lugar ng Mampang, Zamboanga City.
   
Ayon sa mga miron, “puwersahang pinasok” ng mga bataan ni Comm. Nick ang isang ‘warehouse’ at kinurakot, agh, hinakot, ang natagpuan nila doong mga bigas (25 kilos kada sako) na may kabuuang bilang na 6,700 sako.
   
Ang ‘raiding team’ ay pinangunahan umano ng isang dating sundalo na si ‘Capt. Edmundo Bida P. Andres’ at dati umanong kasapi ng 21st Infantry Battalion ng Phil. Army.
   
Ayon pa sa hinagpis ng mga miron, ‘throwback Thursday’ sa panahon ng agresyon ng mga Amerikano sa Mindanao sa mga unang taon ng kanilang pananakop sa atin at sa mga Hapon sa ginawa nilang pagsalakay sa ’Pinas noong World War 2 ang ‘arrive’ ng mga tropa ng BoC sa pangunguna nitong si ex-captain Bida-Andres.
   
Bakit kanyo? Eh, wala naman umanong dalang mga dokumento ang mga tauhan ni Comm. Nick nang kanilang salakayin, nye, puntahan, ang nasabing warehouse.
   
Ang “masakit” nito, DA Sec. Piñol, sa 6,700 sako ng bigas na kinumpiska, 2,640 na lang ang nadeklara bilang “huli” ng mga operatiba ni Comm. Nick at dinala sa BoC Zamboanga.
   
Aba rin naman, kaibigang Alan Encarnacion, kung sa PNP mayroong ‘Ninja Cops’ na “binabawasan” ang mga nahuhuling iligal na droga para ito maibenta at ‘ma-recycle,’ mayroon na rin palang ‘Ninja Customs’ sa panahon ni Comm. Nick, ganu’n ba ’yun?
   
Ayon pa sa isang impormante na wala tayong duda sa mga hawak na impormasyon, IBINEBENTA na umano ang mga “nadugas” na bigas na ang ginawa pa umanong ‘warehouse’ ay ang kampo militar sa Zamboanga, ang Camp Gen. Arturo Enrile sa Malagutay!
   
Sa ganitong estilo, masasabing wala ngang pinag-iba itong mga ‘Ninja Customs’ ngayon sa ‘Ninja Cops’ ng PNP, hindi ba, mga kabayan?
   
Sa tuwing naririnig natin si DA Sec. Piñol sa kanyang mga panayam sa radio, abut-abot ang kanyang paghingi ng paumanhin dahil sa kawalang kakayahan sa kasalukuyan ng DA na “tapatan” ang mababang presyo ng palay at kahit ng mga ‘locally-milled rice.’
   
Eh, sa sitwasyong ito, paano “tatapatan” ng gobyerno ang bentahan ng bigas d’yan sa Zamboanga Peninsula samantalang “laway” at “lakas lang ng loob” ang “puhunan” ng mga nagbebenta ngayon nitong mga nakumpiskang bigas ng BoC?
   
Eh, pulos ‘I-am-sorry’ na lang ang gagawin dito ng mabunying kalihim at lifetime member ng National Press Club, ano pa ba, hehehe, ayy, huhuhu!
   
Kung isang malaking kabulastugan at kahihiyan ang insidenteng ito para sa Aduana, alam nating hindi rin mapapalagay sa kanyang silya ang ating kaibigan na si Philippine Army commanding general, Ed Año na ang kampo militar ay ginagawang ‘warehouse’ ng mga “nadugas” na bigas ng mga tauhan ni Comm. Nick.
   
At sa ngalan ng parehas na pamamahayag, ‘welcome’ po dito, Comm. Nick, ang inyong paliwanag, hane?
   
Abangan!!!