6,895 guests

Fake!

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 498

Kris: Stop lying about me!

“Duh?” ang isa sa mga reaksyon ni Kris Aquino sa isyung ang isinuot niyang diamond necklace sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) dinner na ginanap last Nov. 2015 pa ay pag-aari ni Madam Imelda Marcos.

Hanggang ngayon kasi ay hindi matigil-tigil ang issue at viral pa rin online ang larawan niya wearing that diamond necklace na sinasabing isa sa mga na-sequester na mga alahas ng former First Lady.
   
Kaya naman marahil, para matigil na ang issue, once and for all ay nagbigay na si Kris ng kanyang pahayag tungkol dito sa kanyang Instagram account last Sunday.
   
Mahaba ang reaksyon ni Kris na sa dulo ay may hashtag pang “IAMBACK”.
   
Narito ang kabuuan ng IG post ni Kris kasama ang larawan ng necklace na isinuot niya na nakalagay pa sa box nito:
   
“It seems you don't want me to stay quiet and your trolls want to keep perpetuating lies about me. My friend JC Buendia & my sister Viel both showed me this paulit-ulit na FB post.
   
“The necklaces supposedly belonged to Mrs. Marcos & I was brazen enough to wear them for the APEC DINNER.
   
“Duh? The necklace I wore was made from cubic zirconia & silver -- hindi po DIAMONDS, in other words fake sila although Bottega Veneta naman.
   
“ENOUGH! And the TRUTH is on my side -- including credit card receipts.
   
“P.S. I have a long standing event for #ARIEL on Tuesday, even if my necklaces aren't appropriate for showing how you can remove more than 100 different types of stains -- what the heck, isusuot ko na sila, after all I paid for them w/ hard earned, tax paid income, and hindi ko na problema kung ’yung pagnanakaw ng iba trip nilang ibintang/pagtakpan using me -- and to be perfectly clear, I'm not referring to Mrs. Marcos.
   
“So this is FAIR WARNING -- stop lying about me if you don’t want your rotting skeletons unearthed. #IAMBACK”
   
Well, tama lang naman na mag-react si Kris at ipagtanggol ang sarili. At least now, we learned na hindi naman pala totoong diamond ang isinuot niya sa APEC dinner at naniniwala naman kami sa kanya lalo pa nga’t handa siyang ipakita ang resibo ng alahas na binili niya.
   
This case is also one solid proof na hindi talaga lahat ng nababasa sa internet ay totoo.