5,100 guests

Sunshine, half-brother ni Ara ang ipinalit kay Cesar

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 938

Mukhang nakahanap na ng bagong pag-ibig si Sunshine Cruz at ito’y sa katauhan ni Macky Mathay. Nakunan ng picture ang dalawa na magka-holding hands habang naglalakad na mukhang sa BGC o sa The Fort. Nakayuko si Sunshine habang nakataas noo naman si Macky.

Wala pang pinu-post na picture nila si Sunshine sa Instagram (IG) niya, pero may nakita kaming picture nila kasama si Ara Mina at ilang kaibigan sa IG ni Macky. Si Macky ay half brother ni Ara at may kinalaman siguro ang aktres kung bakit nagkakilala sina Sunshine at Macky.

In fairness, positive ang reaction ng netizens kung totoo mang sina Sunshine at Macky na. Four years nang hiwalay si Sunshine kay Cesar Montano at deserved nito ang maging masaya at magka-love life na.
   
Si Macky ay hiwalay na rin daw sa misis nitong anak ni Ilocos Norte 1st District Representative Rodolfo Fariñas, pero sa profile nito sa IG, nakalagay pa ang “Wife of Mac” at hindi pa inaalis ang Mathay sa apelyido niya. Tatlo rin ang anak nina Macky at ang misis nito, pareho nina Sunshine at Cesar.
   
Ang sabi, mga one year nang hiwalay si Macky sa misis nito, pero hindi naman siguro papasok sa isang relasyon si Sunshine kung may problema. Maging masaya na lang tayo kay Sunshine at ’wag mag-comment pa ng nega.

* * *

Nakakatuwa ang Asian TV Awards dahil suportado si Alden Richards sa launching ng second album nitong Say It Again mula sa GMA Records. Sa launching ng album sa Market! Market! last Sunday, nag-tweet ang Asian TV Awards ng, “Today is @aldenrichards02’s big day. Let’s show him some love. #ALDENSayItAgainLaunch.”
   
Isa si Alden sa hosts ng Asian TV Awards na gaganapin sa Suntec Singapore sa December 2 at makakasama nito ang Singaporean superstar na si Adrian Pang, Stephanie Carrington at Baki Zaimal. Performers yata sina Charli XCX at JJ Lin.
   
Samantala, puno ang Market! Market! sa dami ng fans ni Alden, AlDub Nation at may fans din ni Maine Mendoza na dumalo sa launching. Ipinakita ang music video ng carrier single na Rescue Me at kinanta rin ni Alden ang Your Guardian Angel.
   
Special guest ni Alden sa album launch si Agat Obar-Morallos na composer din ng Wish I May, ang album na rason para mabigyan si Alden ng Diamond Record Award. Kasama sa Rescue Me album ang One Way, I Dare You, You Got Somebody at iba pa.
   
“Never in my life have I imagined that I’d record songs and release albums. This is more than what I asked for, sabi ko nun, kahit mag-gold lang kuntento na ako,” pahayag ni Alden sa blessings na patuloy na dumadating sa kanya.
   
Natanong din pala si Alden kung babalik pa ang karakter niyang si Lakan sa Encantadia at “sana nga” ang sagot nito. Three weeks din siya napanood, pero bitin pa ang kanyang fans na mapanood siya sa fantaserye.

* * *

Ramdam ang lungkot ni Mark Herras sa pagpanaw ng uncle niyang si Hermie Santos na “Pim” ang tawag niya. Sunud-sunod ang pagpu-post niya ng picture ng tito niya na for 29 years kasama niya at katulong ng daddy niya, ina at lola na nag-alaga sa kanya.
   
Heartwarming ang parte ng post ni Mark na ang sabi ay, “Please guide me at bigyan nyo ko ng lakas ng loob para malagpasana to pim... maraming maraming salamat pos a lahat Papapim...Mahal na mahal ko po kayo.”
   
Ang GF na si Wynwyn Marquez na may pinagdadaanan ding pagsubok dahil sa pagkakulong ng kapatid na si Mark Anthony Fernandez ang katuwang ngayon ni Mark sa pagharap sa malungkot na bahagi ng buhay niya.
   
“Pangga, you have me and i have you. We’ll take care of each other. Sa isa’t isa lang tayo humuhugot ng lakas ngayon. Matutupad wish ni Tito Ga gagawin natin ’yun. I know everything will be okay... i love you so much,” message ni Wynwyn kay Mark.
   
Patuloy na napapanood si Mark sa Afternoon Prime na Sa Piling Ni Nanay at lalo itong sisipaging magtrabaho ngayong nabawasan na naman ang loved ones niya.