6,928 guests

Binago!

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 694

Aktor, pigil sa lampungan

NAGSELOS pala nang todo-todo ang isang aktres  (A1) sa maiinit na eksena ng kanyang boyfriend-actor sa kaparehang aktres (A2).

Pero  todo-deny ang kampo ng aktres. Ang mas nag-alala sa pagseselos ng girlfriend (A1) ay ang boyfriend-actor niya. Ilang araw nag-shut down ng kanyang social media account ang aktor.

Naayos naman ang sitwasyon ng dalawa. Eh, si A2 naman kasi, basta hiningi ng role, wala siyang pakialam. Tutal naman, wala siyang intensyong mang-ahas ng boyfriend, huh!
   
Kaya si aktor ngayon, kapag nakipaglampungan muli eh, magpipigil nang bumigay nang todo, huh!

* * *

BINAGO na ang playdate ng pelikulang The Escort  nina Christopher de Leon, Lovi Poe at Derek Ramsay. From the original playdate na November 9 ay na-move na ito sa November 2 na magandang playdate.
   
Inilabas kahapon nang gabi ang full trailer ng TE na dinirek ni Enzo Williams. Maiinit ang eksena nina Derek at Lovi. Nagliliyab sa init ang kanilang magkadikit na katawan, huh!
   
Eh, all out din si Lovi sa romansahan nila ni Derek pati na ’yung sa kanila ni Boyet. Pero patatalbog ba ang aktres na si Jean Garcia? Hindi, dahil sa jacuzzi naman sila nagsalo ng kaligayahan ni Derek, huh!
   
Glossy ang dating ng next offering ng Regal. Pero ang maganda sa trailer, tumatagos sa laman ng mga eksenang drama at maiinit, huh!
   
Baka ang may magselos sa parte ni Derek, huh!

* * *

KERI pa palang magsuot ng damit pambabae si Arnell Ignacio kahit na nga isa na siya sa directors ng PAGCOR. Umapir si Arnell sa Sunday PinaSaya sa isang segment at girl ang dating niya.
   
Pero si Mocha Uson, waley na ang pagpapaseksing ginagawa sa stage pati na sa suot. Dinibdib talaga niya ang change sa pagiging president ni Digong Duterte.
   
Eh, magkaiba naman ang showbiz at pagiging government official. First and foremost ay artist si Arnell bago naging opisyal ng pamahalaan. Magkaiba naman ang showbiz at gobyerno.
   
Ang mahalaga, hindi corrupt si Arnell! ’Yun ang bongga!
   
Pero ’yung isakripisyo ni Mocha ang sexy image niyang tinangkilik ng tao, ibang dedikasyon na ’yon, huh!