5,019 guests

Jaclyn, nakiusap sa bashers ni Andi

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 379

Kinailangan nang pumasok sa Instagram (IG) account ni Andi Eigenmann ng inang si Jaclyn Jose para ipagtanggol siya sa netizens na sumugod para awayin at i-bash si Andi. May mga foul words na rin kasing ipinukol kay Andi at nadamay pati ang anak nito at apo ni Jaclyn na si Ellie, kaya nakisali na si Jaclyn.

May sinagot itong neti-zen at sabi ni Jaclyn, “Alam mo hindi ako pumapatol sa mga ganitong comment. Pero sana isipin niyo na may inang nasasaktan sa anak ko... kelan mo ako nadinig na nagsalita tungkol sa lalaking binabanggit mo (Albie Casiño)?
    
“Kung may galit man ako sa taong yun hindi dahil sa ibang dahilan kundi ang pananakit na ginawa nia sa anak ko. Wala ka dun, wala ka sa buhay na pinagdaanan ng anak ko. Wala kayong alam. Wala kang karapatang maghusga...d ako nagsasalita pero uulitin ko. Sana isipin nio na may inang nasasaktan.
    
“Mga iha nakikiusap ako sa inyo na wag nio na isali si Ellie sa usaping ito. Nag po post ako dahil sa apo ko. gaya ng ibang lola tao din ako na proud sa aking apo. Magkaiba usapin yun...uulitin ko, nakikiusap ako wag nio isali ang apo ko o ang pangalan nia sa mga comment nio. Salamat,” pakiusap pa ni Jaclyn.
    
Muling sinagot ni Jaclyn ang netizen na sobra ang galit kina Jaclyn at Andi, “iha, hindi na tama ang pambabastos mo sa amin. Nakikiusap ako na ihinto mo na.”
    
Sa  netizen na tinanong si Jaclyn kung ano ang feeling ng mommy ni Albie nu’ng na-drag ang name nito sa isyu, sagot ni Jaclyn, “alam mo din ba kung ano ang

pakiramdam ko ng may ginawa ang binabanggit mo sa anak ko? Puede nio sabihin ang gusto nio sabihin sana lang alam nio ang sinasabi ko. hindi ako pala patol.hindi nio kilala at alam ng mga pinagdaanan ng anak ko. Huling beses na. Itigil na ninyo ang masasakit na salita...nalulungkot ako at mayroon kayong kanya kanyang kuro kuro sa taong ni hindi ninyo nakikilala ng lubusan. God Bless us all. I am asking for respect.”
    
Mukhang malayo pa ang tatakbuhin ng isyung ito, in the meantime, busy pa rin si Jaclyn sa taping ng Alyas Robin Hood  at A1 Ko Sa ’Yo na kung saan, ipinapakita ang husay sa drama at comedy. Pero pansin namin, wala si Jaclyn sa thanksgiving mass para sa success ng Alyas Robin Hood last Thursday.