6,402 guests

Mark, magbabagong-buhay sa Tate

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 667
Mark Anthony Fer­nandez Mark Anthony Fer­nandez

Hindi mapigilan ang fans dahil kahit naka­posas na si Mark Anthony Fernandez, may mga sumi­gaw pa rin ng “I love you, Mark” nang ilabas sa station 6 ng Angeles City kung saan siya naka­kulong para dumalo sa arraignment niya.

Matipid na ngiti ang sa­got ni Mark sa fans na nag­­pahayag ng suporta sa kanya.

May plano na pala si Mark sakaling malampasan niya ang dalawa niyang kaso (tatlo dati, pero na-dismiss ang kasong nahulihan siya ng drug paraphernalia).

Pupunta raw siya sa Amerika para magbagong buhay.

Pampalakas ng loob ni Mark Anthony ang message sa kanya ng ex-wife niyang si Melissa Garcia via Facebook: “I’m sorry, I can’t be with you this time. But you have my prayers. I will always have respect and care for you. Thank you for being a good father to your children. God will not forsake you, so don’t ever lose hope.”

* * *

Inilabas ng Viva Films ang official trailer ng Bakit Lahat ng Guwapo, May Boyfriend kagabi, alas-nuwebe, sa Facebook page ni Anne Curtis.

Tiniyak ni Direk Jun Lana na trailer pa lang, lalong gugustuhin ng tao na panoorin ang movie na showing simula sa October 19.

Tiyak na maghi-hit sa viewers ang official trailer dahil teaser pa lang, more than 3M views sa Face­book ang inabot in less than one day.
   
Kaya lang, bigla na lang nawala ang teaser pero nabalik naman at may 4.5M views na ito.
   
Sa teaser at trailer, hindi pa malinaw ang role ni Dennis Trillo bilang si Diego kung beki o straight.
   
Sa pelikula na masasagot ang tanong na ito. Basta ibang Dennis ang mapapanood sa Bakit Lahat ng Guwapo, May Boyfriend?
   
Ang ganda ng mga eksena niya, eksena nila ni Paolo Ballesteros at eksena nila ni Anne.
   
Samantala, katas ng pagod, puyat at pagsisikap ang bagong white BMW 420d Grand Coup sports car ni Dennis.
   
Kita na very proud ang aktor nang ibida sa Unang Hirit ang sasakyan at pati nga laman ng car ay ikinuwento niya.

* * *

Ang gandang tingnan sa picture ng cast at staff ng Alyas Robin Hood after ng thanksgiving Mass na nakasuot ng hoodie o ’yung suot ni Dingdong Dantes sa action series ng GMA-7.
   
Pati mga bossing ng network na dumalo sa Misa, naka-hoodie rin na magiging tatak ni Dingdong at ng teleserye.
   
Nabasa namin sa Instagram (IG) ni Perry Lansigan, manager ni Dingdong, ang three reasons para sa thanksgiving Mass.
   
First, para sa maayos, maganda at mainit na pag­tanggap sa soap. Second, para sa mga taong nagpa­pagod, naghihirap at nagtitiwala sa bawat isa sa produksyon. Third, para sa mataas na ratings ng show.
   
Ang ganda ng caption ni Dingdong sa picture kasama ang cast, creative team at bossing ng network: “It is a hoodie kind of day because it is never too early nor too late to give thanks and show gratitude for a job that is well-received.
   
“So, here we are -- ang team #alyasrobinhood na nagpapasalamat sa Panginoon at sa lahat ng mga mano­nood for giving us these awesome results.
   
“As you can see, siksikan kami because there is no room for complacency. That’s why we constantly strive to deliver a good show and put on a good fight, every night.”
   
Siguradong ikinatutuwa ng lahat ng involved sa Alyas Robin Hood na ’yung mga negang hanash dati na copycat daw ang show ay napalitan ng positive comments.