6,831 guests

‘Bugaw’!

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 929
Rosanna Roces Rosanna Roces

PASABOG kung pasabog ang pagpapatuloy ng hearing sa Kamara kahapon dahil ina­kusahan ng isang bilanggo na dating pulis ang former sexy star na si Rosanna Roces bi­lang kabit umano ng isang high-profile con­victed drug lord.

Mabilis naman itong kinontra ni Osang sa kanyang Facebook account (Jennifer Cruz Adriano) sa pag­sasabing hindi siya kabit ng isang Vicente Sy.

Pero, inamin niyang naghahatid siya ng mga babae sa preso kapalit ang P25,000.
   
“Monterey” daw ang “negosyo” niya sa loob, “karne” ang binebenta niya, hindi droga.
   
Sey niya sa FB, “Paanong magiging mistress, eh, babae ang dinadala ko ke Enteng? Kada hatid ko ng babae ay 25k ang binibigay sa akin. Kahit na reject pa ang babaeng dalhin ko.
   
“Kung naging mistress ako di sana nabayaran ko ang 2m na talo ko sa kaso sa Gma. Di na sana ako nagpapakahirap magtrabaho ngayon. Baka producer na ako.
   
“Hindi droga ang business ko sa bilibid. Monterey.... taga deliver ng karne. Isang tao lang ang kausap ko dun. yung sinasabi nilang si vicente sy.
   
“Madaling magtahi ng kwento pero mahirap ang magpatunay. Kilala ko din sina noel martinez dating mayor ng g.i. dahil nag concert na din kmi sa loob. Kasama sina april boy at selina sevilla.
   
“Dun ko na meet si jaybee sebastian dahil na interview ako o nahingian ng mensahe sa kanyang Btv o bilibid tv.
   
“Other than that wala na akong naging dahilan para bumalik. Lalo na nung ang huling nadala ko palang babae ay maysakit.”
   
Hay, naku! Very visible ang showbiz personalities sa news ngayon, huh! Su­nud-sunod ang eksena, halos araw-araw.
   
Mula kina Sabrina M, Krista Miller at Mark Anthony Fernandez, si Osang naman ang bida ngayon.
   
Well, abangan ang mga susunod na kabanata dahil mukhang the plot thickens by the day, huh!

* * *

BISTADO ang pagiging kasama sa cast nina Alden Richards at Maine Mendoza sa filmfest entry ni Vic Sotto na Enteng Kabisote 10.
   
Sa posts ng fans nina Alden at Maine, inilabas nila ang pagpunta sa Bohol ng idolo nila kahapon, pag­lapag sa airport at pag­punta sa Panglao Beach Resort.
   
May picture rin si Vic, pati na ang isa sa produ­cers na si Tony Tuviera.
     
Kababalik lang ng Pam­bansang Bae mula sa London. Diretso agad siya sa airport papuntang Bo­hol.               Hindi na sumipot si Maine sa Eat Bulaga kahapon.        
     
Ang post ng fans ay sa Saturday ang balik nila sa Bulaga.
   
Confidential ang pagi­ging bahagi nina Den at Meng sa MMFF entry. Eh, sa galing ng fans ng dala­wa pag­dating sa gina­ga­wa nila, nabunyag ang ini­lilihim na pagsali ng da­la­wa.
   
Nataon pa sa AlDub 64th weeksary ang biyahe nila sa Bohol, huh!
   
Last year, sa My Bebe Love unang in-introduce ang AlDub loveteam na alam nating tumipak sa takilya at gumawa ng record sa opening-day gross ng isang festival entry.

* * *

WOW, may drama na, “What you see is what you get!” sina Bea Binene at Derrick Monasterio, huh!         Bagung-bago naman ’yan!
   
After Jake Vargas, si Derrick ang umaaligid ngayon kay Bea. After ng drama series nilang Hanggang  Ma­kita Kang Muli, pinagsama uli sila ng GMA sa comedy series na Tsuperhero.
   
“Good friends kami ni Derrick and he is one of my guy best friends. Kumbaga, hindi namin pinipilit ’yung mga sarili namin kung ano ang dapat mangyari sa loveteam na ’to. Kumbaga, hindi scripted,” rason ni Bea.
   
Kahapon nagsimulang mag-taping ng dalawa. Driver ng jeep ang role ni Derrick habang barker niya si Bea.         Nailabas noon na nasa cast din si Alma Moreno.         ’Wag naman sanang masibak siya dahil sa nangyari sa anak na si Mark Anthony Fernandez, huh!

* * *

THIRTY-one clients/subscribers ang nagtitiwala sa  Nielsen TV Audience Measurement. Kabilang na dito ang eight local TV networks, four regional clients, two blocktimers at 17 media agencies.
   
Sa data ng Nielsen ay mas malaki ang bilang ng sampled homes nationwide kumpara sa Kantar Media.          Binubuo ng 3,5000 urban at rural homes ang sample size ng Nielsen na mas malaki sa 2,610 ng Kantar.
   
Kaya sa datos ng Nielsen TV Measurement, nama­mayagpag ang GMA Network sa primetime at maging sa ibang day parts kaya nanatili itong number one sa Urban Luzon.
   
Nitong  September, consistent ang pagtaas ng En­cantadia sa ratings. Sinundan ito ng 24 Oras at Pepito Manaloto.
   
Nasa Top 10 din ang Magpakailanman, Descendants of the Sun, Kapuso Mo Jessica Soho, Alyas Robin Hood at Hay Bahay!
   
Kaya talung-talo ng GMA ang ABS-CBN sa total-day household share sa Urban Luzon dahil sa naitala nitong 41.7%, mas mataas ng 8.9% sa 32.8% ng huli.
   
Mahalaga sa advertisers ang Urban Luzon dahil kumakatawan ito ng 77 percent ng lahat ng urban TV household sa bansa.