6,925 guests

Kampo ni Mark, humirit ng re-investigation

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 502

Hindi natuloy ang arraignment ni Mark Anthony Fer­nan­dez sa Angeles City Regional Trial Court (ACRTC) at Angeles City Municipal Trial Court (ACMTC) kahapon ma­tapos maghain ng mos­yon ang kanyang kampo na ire-investigate ang kaso.

Base sa ulat ng GMA News, nakatakda sa­nang basahan si Mark ng mga sakdal sa dala­wang na­banggit na korte (civil disobedience sa ACMTC at violation of the Dangerous Drugs Act sa ACRTC) pero naurong ito sa ibang petsa.

Ayon pa sa news report, bukod sa re-investigation ng case, naghain din ng mosyon ang kampo ni Mark na ilipat ito sa Pampanga Provincial Jail dahil masyado raw masikip ang Angeles City Police Station 6 kung saan kasalukuyang nakakulong ang aktor mula pa noong Lunes.

Dumating din sa korte ang ina ni Mark na si Alma Moreno at half-brothers na sina Yoj at Teejay Marquez.

* * *

Sa update na ipinost ni Mariel Rodriguez-Padilla sa kan­yang Instagram account, mukhang malusog na malusog naman ang kanyang baby girl na nakatakda niyang isilang sa Nobyembre.

“My first ultrasound in (US), was so happy to see my baby girl!!!! Thank you, Tita Maricon, for accompanying us. It was a biophysical ultrasound wherein Isabella was supposed to do a series of movements within 30 minutes. My angel did all and more under 10 minutes... Momma was so proud!!!” post ni Mariel.

Kasalukuyang nasa US ang TV host at doon naka­takdang manganak habang ang asawang si Robin Pa­dilla ay nandito sa ’Pinas.

Hindi nakasama ang ac­tion star dahil nga wa­lang US visa.
   
Magkahiwalay man, regular ang komunikasyon ng mag-asawa at ipinu-post pa ni Binoe ang video chat nila.
   
Nakakatuwa ang pag-uusap nila dahil pati ang kidlat sa US ay ikinukwen­to ni Mariel.
   
Si Mariel naman, ipinost ang video ng asawa na ka­tabi niya sa pagtulog.         Ma­kikita si Binoe sa cell­phone na natutulog din.
   
Sa caption, sey ng TV host, “Our long distance relationship. At least, we are sleeping next to each other... @robinhoodpadilla we miss you!!!!”
   
Pagkapanganak ni Mariel, mananatili pa sila ng baby niya sa US until such time na pwede nang bumiyahe ang bata pabalik ng ’Pinas.

* * *

One year pa lang mula nang i-launch ng PPL Entertainment, Inc. ang duo nina Migz (Haleco) and Maya, pero ang bilis ng mga pangyayari para sa kanila kaya masa­yang-masaya sila.
   
Noong una nga raw, pa-gig-gig lang sila.
   
Hanggang sa dumating na nga ang offer ng Star Music na i-produce sila ng album, ang Migz & Maya.
   
Bukod dito, sa kanila rin ipinagkatiwala ang pagkanta ng theme song ng How to be Yours movie nina Ge­rald Anderson at Bea Alonzo.
   
Nagsimula na silang magkaroon ng TV guestings at radio tour.
   
Natutuwa rin ang dalawa na tumatak sa mga tao ang Ambon theme song ng How to be Yours na bonus track sa self-titled album nila.
   
Kung si Migz ang ka-loveteam ni Maya sa pagkanta, in real life, boyfriend naman niya ang kapwa PPL artist na si Geoff Eigenmann.
   
Wala raw selosang nagaganap sa dalawang lalaki ngayon sa buhay niya dahil alam daw ni Geoff na mag-partner lang sila ni Migz sa trabaho.