6,346 guests

‘It’s Showtime,’ isang buwang magdiriwang

ISANG month-long na pagdiriwang ng numero unong noontime show sa bansa, ang “It’s Showtime” ang hatid nitong mga sorpresa ngayong Oktubre sa ikapito nitong anibersaryo.

Noong Sabado (Oktubre 1), nagsimula na ang pagdiriwang sa pagtitipon-tipong ng lahat ng hosts ng programa kasama ang girl group na 4th Impact, dance group na XB Gensan, shadow play group na El Gamma Penumbra, at ang vocalist ng Journey na si Arnel Pineda upang ipasilip ang isang buong buwang pagdiriwang na pinamagatang “haPITOgether.”

Sa unang linggo, bakbakan ng matitinding boses sa paghaharap-harap ng anim na semi-finalists para sa Quarter 3 semi-finals ng “Tawag ng Tanghalan.”

Ibabandera ang Metro Manila ng Balla-dearest son ng Baclaran na si Rufino Robles, Sis-pectacular Songtress ng Makati na si Jennie Gabriel, at Virtual Effects Artistahin ng Quezon City na si Christopher Rodrigueza.

Ipaglalaban naman ng Luzon semifinalists ang kanilang pwesto: ang Super-Lolovable Singer ng Rizal na si Antonio Sabalza at ang Unstoppable sa galing ng Bulacan na si Eumee Capile. At itataguyod naman ng Bukid Boy Wonder ng Negros Occidental na si Noven Belleza nang mag-isa ang Visayas.

Samantala, muli namang tutungtong sa entablado sa ikalawang linggo ang lahat ng “It’s Showtime” champions para magpasiklaban at muling magpabilib sa madlang people. Sa linggong ito, babalik ang champions ng “Magpasikat”, “Kalokalike,” “That’s My Tomboy,” “I Am PoGay,” “Funny One,” “Mini Me,” “Stars on 45,” at iba pang patimpalak sa nakalipas na pitong taon.
   
Hindi naman magpapahuli ang hosts ng programa dahil sa ikatlong linggo ng Oktubre, sasabak sila sa“Magpasikat Week.”
   
May inihandang pasabog at groupings sina Anne Curtis, Vice Ganda, Vhong Navarro, Billy Crawford, Karylle, Amy Perez, Joey Marquez, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, Ryan Bang, Jhong Hilario, at Kuya Kim Atienza sa pagpapakita ng galing para sa “best performance of their lives.” Magiging kakampi rin nila ang Hashtags at Girltrends sa mga ito.
   
Aapaw rin ang mga sorpresa para sa solid Showtimers sa huling linggo ng buwan.
    
I-follow lamang ang programa sa Twitter (@ItsShowtimena) at i-like ang facebook.com/ItsShowtimeNa.

I Juander, may horror musical special

ISANG month-long horror special ang handog ng I Juander ngayong Halloween.
   
Ngayong gabi, Miyer-kules (October 5), aalamin nina Susan Enriquez at Cesar Apolinario kung ano ang mga kinatatakutang nilalang sa ilang mga probinsya sa bayan ni Juan.
   
Sa probinsya ng Pampanga, may tinatawag na Maglalague o espiritu na nananatili pa rin daw sa lupa para bantayan ang naiwan nitong kayamanan. Alamin ang kuwento ni Lola Estelita na 50 taon umanong ginambala ng nilalang na ito.
   
Sa Laguna naman, mayroon umanong maligno na nangangatok sa mga bahay-bahay para maghatid ng kamatayan at kamalasan. Ang tawag sa mga ito, Manoktok. Ang albularyong si Mang Gary, ilang beses na raw dinalaw ng hindi inaasahang bisita.
   
Aalamin din ng I Juander ang kababalaghang bumabalot sa Paco Train Station kung saan isang batang babae umano ang nagmumulto. Sa pagsasaliksik ng I Juander team, aalamin nila kung sino nga ba ang babaeng ito at ano ang katotohanan sa likod ng kanyang kuwento.
   
Matakot at mangilabot sa part one ng Buwan ng Kababalaghan sa kauna-unahang Horror Musical Special ng I Juander ngayong gabi, 8 p.m. sa GMA News TV.