5,031 guests

Secured

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 682

Jake, inako ang pagiging ama kay Ellie

Jessy, waging Best Asia Pacific Star

HINDI binanggit ni Jake Ejercito si Andi Eigenmann sa emotional message niya sa anak nilang si Ellie sa Instagram account niya last Sunday evening.

Mula nang sumambulat ang rebelasyon ng pinsan ni Andi na si Max Eigenmann na si Jake ang tunay na ama ng bata, kailan lang naglabas ng pahayag si Andi. Pagsumamo ng privacy sa anak ang hiningi niya sa publiko.
   
Si Jake naman, cool lang sa nilabas na mensahe kasama ang picture nila ni Ellie na hinahalikan.
   
“There will have been a lot of things you’ve heard and read by now and I’m glad you’ve somehow stumbled  upon this. Cause this is one of the very few truths that matter.
   
“It may have taken me years to find out by myself, but I’ve been here for you even before your first precious breath -- nothing and no one has or will ever change that.
   
“You’ve only brought good things to my life and I promise to do the same to you a hundredfold. Know that everything has been and will always be for you. And that I will hold your hand the whole way through.
   
“I can’t wait till you start asking questions. Although  words will certainly fail to express how much I love you, our love story is filled with fun, optimism and immeasurable bliss. It’s a story of a million beautiful memories that no one can ever take away from us and I’d endlessly be proud to share it with you.
   
“As we always tell each other whenever we part ways or go to sleep, you will always be my princess and I, your first love.
   
“Stay real and stay bright, my love.”
   
At least, super-secured na ang future ni Ellie ngayong inaako na ni Jake na siya ang tunay na ama, huh!

* * *

RUBBING elbows si Jessy Mendiola sa female lead ng Coffee Prince na si Chae Yung An at lead actor ng Descendants of the Sun na si Song Joong Ki sa 5th Asia Pacific Actors Network (APAN) Star Awards na ginawa sa isang lugar sa Seoul, South Korea.
   
Ayon sa reports, si Jessy ang pinarangalan na Best Asia Pacific Star na unang Pinoy na nakatanggap ng nasabing recognition. Nagkaroon din siya ng chance ma-meet ang ilang Korean stars sa red carpet ng awards night.
   
Nominated naman si Joong Ki bilang Best Actor sa mini-series category para sa DOTS.
   
Sa local front, tinatapos ni Jessy ang Regal movie na Mano Po 7 at lalabas siyang girlfriend ni Enchong Dee.

* * *

ISANG half-Filipino at half-Japanese ang isa sa members ng Tokyo Performance Doll (TPD) na si Sakurako Lida. Dumating ang  tatlong members ng TPD sa bansa last weekend upang kantahin ang kanilang greatest hits sa katatapos na Cosplay Mania na ginanap last October 1 and 2 sa SMX Convention Center.
   
But this time, kasama ng TPD ang paboritong NHK mascot na si Domo. Nagsanib-puwersa sila upang buuin ang bagong team na Tokyo Performance Domo. Ang kanilang bagong kanta ay ang Domobics na composed ng m-flo’s Taku Taka-hashi with dance routines na supervised ng Olympic silver medalist sa wrestling na si Katsuhiko Nagata.
   
Sa Cosplay Mania na ’yon, nagkaroon kami ng chance na interbyuhin ang tatlo. Bukod kay Lida, kasa-ma rin sa dumating na members sina Nana Takashima at Kaho Hamasaki. Kinober ’yon ng NHK TV, huh!
   
Ang Japanese na si Ya Chang na lumalabas sa local TV ang coordinator ng NHK TV dahil sa galing niyang magsalita ng Tagalog at tumulong dalhin ang TPD sa bansa.