4,828 guests

Glaiza, nakiusap sa basher

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 850

Umabot na sa 72,327 likes at may 1,901 comments ang pinost ni Jake Ejercito na picture nila ni Ellie sa Instagram (IG) with a long message para kay Ellie.

May mga naiyak sa message ni Jake kay Ellie at may mga nag-suggest na magbalikan na sila ni Andie Eigenmann.

Nag-comment ang sister ni Jake na si Jerika Ejercito ng, “You have and always be our Princess, Ellie belle. All will be well my Angel, I promise you. Isaiah loves you like no other.”
   
Sinundan ito ng comment ni Precy Vitug-Ejercito, wife ni Sen. Jinggoy Estrada ng, “Love you both.”
   
Ang latest na nag-comment sa post ni Jake ay si Jacob Ejercito, kanyang kapatid at sabi nito, “Wahhh! I miss you Elliebells! Can’t wait to squish ya’ when I come back! Love you little one!”

* * *

Nabasa namin ang tweet na pakiusap ni Glaiza de Castro na “Bash niyo pa ko, huwag lang ang pamilya at kaibigan ko. Jusko, kaawaan kayo ng pamilya at kaibigan niyo.” “Bato bato sa langit, ang tamaan hindi pa rin naman titigil sa pangba-bash” at “Blessed are the bitter people, for they shall inherit bad karma for life.”
   
Hindi namin nabasa ang pamba-bash kay Glaiza, pero natutuwa kami na lumalaban siya, kesehodang tawaging patolera. Sabagay, kahit may mga basher, mas marami pa rin ang nagmamahal at sumusuporta kay Glaiza.
   
Patunay dito ang pagtanggap niya ng gold record award para sa Synthesis album na ang nag-distribute ay ang Homeworkz label ni Jay-R. Sabi ni Glaiza, kundi sa paniniwala ni Jay-R, nasa Garage band pa rin ang self-produced album.
   
Suportado rin siya ng fans sa pagkukontrabida sa Encantadia at aliw ang comments na hindi nila magawang magalit nang sobra sa kanya dahil alam kung ano siya in real life. Gusto nang malaman ng viewers ang reaction ni Pirena (Glaiza) ’pag muling nakaharap si Amihan (Kylie Padilla) at ang fight scenes nila.
   
Samantala, sinuportahan si Glaiza nina Ejay Falcon, Jak Roberto at kasama sa Encantadia na sina Ruru Madrid, Gabbi Garcia, Sanya Lopez, Neil Ryan Sese, Mikee Quintos, Rodjun Cruz, Ervic Vijandre, Carlo Gonzalez sa Fun Run para sa SPED students ng Valenzuela City.

* * *

Showing na sa October 5 ang Patintero: Ang Alamat ni Meng Patalo na tungkol sa larong patintero. Nanalo ang pelikula ng Audience Choice Award at Gender Sensitivity Award sa QCinema Film Festival 2016 at Official Selection sa 3rd Silk Road International Film Festival.
   
Bida rito ang child stars na sina Lenlen Frial,  William Buenavente, Claude Adrales at Nafa Hilario-Cruz na sabi ni Director Mihk Vergara, nakipagtitigan sa kanya at hindi umiyak sa audition, kaya napili niya sa role ni Meng. Bukod pa sa mahusay umarte ang bata sa first movie niya.
   
Produced ng TBA (Tuko Films, Buchi Boy Entertaiment, Artikulo Uno Productions), the same team behind Heneral Luna. Hindi lang tungkol sa patintero ang movie dahil itinuturo rin ng pelikula kung paano ma-overcome ang challenges sa buhay.

* * *

Mamaya na ang eksena sa Alyas Robin Hood na may mga zombie at ini-expect na ni Director Dominic Zapata na may mag-aakusang ginaya ng action series ang Train to Busan. Ito ’yung eksenang dahil sa isang klase ng droga, nagiging parang mga zombie ang makakainom.
   
Malalaman din na isang mahusay at high class na thief si Venus (Andrea Torres) at nanakawin niya ang Black Pearl Triad sa isang event. Masi-secure nina Daniel (Paolo Contis) ang lugar nang matuklasang nawawala ang Black Pearl. Magkikita sa ladies room sina Venus at Sarri (Megan Young) at sasabihin ni Venus na may sunog para lumabas si Sarri, saka siya mag-iisip kung paano makakalabas.
   
First time na gagamitin ni Pepe ang bow and arrow na gawa ni Jekjek (Gil Alvarez) laban sa zombie. Dito rin siya tatawaging si Robin Hood ng kanyang mga iniligtas.