6,045 guests

Kathryn, malakas ang impluwensiya!

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 850

NAKABALIK na ng Pilipinas si Kathryn Bernardo at ang mommy (Min) niya mula sa ilang araw na TVC shoot sa Thailand. Next year pa ipapalabas ang commercial ni Kathryn pero at this early ay may preparasyon na agad para dito.

Hindi muna binanggit ni Kathryn kung ano ang commercial niyang ginawa sa Thailand pero tiyak daw mae-excite at matutuwa ang fans ng dalaga sa bago nitong endorsement.
   
Sa nakaraang 6th Eduk Circle Award ay pinarangalan si Kathryn bilang Most Influential Celebrity Endorser of the Year. Ibig sabihin, tinatangkilik ng tao ang mga produktong ini-endorse niya dahil sa kanyang magandang image.
   
Marahil ay ito ang isa sa naging basehan ng mga advertiser para pagtiwalaan ang dalaga. Ang suwerte naman ng mga kompanyang kumukuha kay Kathryn as their endorser.
   
Bukod nga pala sa pagiging Most Influential Celebrity Endorser, iginawad din ng 6th Eduk Circle kay Kathryn ang Most Outstanding Young Actress in TV award. Huling napanood si Kathryn sa teleseryeng Pangako Sa ’Yo kasama si Daniel Padilla.
   
Samantala,  kasalukuyan pa ring palabas sa mga sinehan ang Barcelona: A Love Untold. Nasa third week na ito at patuloy pa ring humahataw sa box-office.   Barcelona is under the direction of Olive Lamasan and produced by Star Cinema.