4,847 guests

Toni at Paul, kumpleto na ang Pasko dahil sa anak

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 905
Paul Soriano  & Toni Gonzaga Paul Soriano & Toni Gonzaga

parents na ang mag-asawang Paul Soriano at Toni Gonzaga-Soriano sa paglabas ng kanilang first baby na si Severiano Eliott na may palayaw na Seve noong Biyernes, September 30  ganap na ika-5:23 ng umaga sa St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City, Taguig City.

Bukod sa mag-asawang Paul at Toni, tuwang-tuwa siyempre ang kanilang respective parents sa paglabas ni Seve.  Super happy rin ang nakababatang kapatid ni Toni na si Alex Gonzaga dahil sa wakas ay meron na siyang pamangkin at lalake  pa.

Sabik ang parents ni Toni sa kanilang unang apo dahil hindi sila nagkaroon ng anak na lalake.

Kumpleto na ang kanilang pamilya ngayong Pasko at Bagong Taon sa paglabas ni Seve.

Samantala, in-anticipate ng weekly sitcom nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga na “Home Sweetie Home” ang panganganak this month ni Toni kaya sa episode last Saturday evening ay may baby na sila.  Ang naturang weekly sitcom ay pinamamahalaan ni Edgar `Bobot’ Mortiz.

Bago ang pagsilang ni Toni kay Seve noong Biyernes ng umaga ay nakuha pa nitong dumalo sa premiere night ng movie ng kanyang kapatid na si Alex Gonzaga, ang “My Rebound Girl” ng Regal Films last Tuesday evening  na palabas na sa mga sinehan since Wednesday.

MELAI, BUNTIS NA NAMAN

BUNTIS naman ngayon ang comedienne-TV host na si Melai Cantiveros ng ikalawa nilang baby ng mister na si Jason Francisco.
   
Dumaan man sa isang matinding pagsubok ang pagsasama bilang mag-asawa nina Melai at Jason na kamuntik mauwi sa hiwalayan, naayos ng mag-asawa ang kanilang problema.
   
Ang kailangan lamang siguro ay mag-mature na si Jason alang-alang sa kanyang pamilya lalupa’t si Melai ang halos kumakayod sa kanilang dalawa.

PIA BACK IN MANILA

BALIK-Pilipinas ang reigning Miss Universe na si Pia Wurtzbach at ang organizers ng Miss Universe para sa ocular inspection ng mga venue na pagdarausan ng pre-pageants ng Miss Universe which will include Vigan, Cebu, Davao at Iloilo.
   
Nasa Brasserie kami ng Conrad Hotel malapit sa SM Mall of Asia last Thursday evening nang mamataan namin ang Miss Universe na si Pia Wurtzbach kasama ang kanyang personal assistant from Miss Universe na si Ester at personal security (also from Miss Universe) at maging ang ibang opisyales ng organisasyon.
   
Napaka-simple ni Pia dahil wala itong make-up.  Hindi namin  siya halos  nakilala kung hindi pa si Gov. Chavit ang nagpakilala sa amin kay Pia.
   
Nakakatuwa naman ang American personal assistant ni Pia dahil napakaganda ng PR nito maging ang kanyang American personal security.  Sila pa ang nag-volunteer na kumuha ng pictures kasama si Pia.

MISS UNIVERSE ORGANIZERS, PAMPERED  

SA totoo lamang, napaka-suwerte ng Miss Universe organizers dahil nakasakay sila parati sa pribadong eroplano ng dating gobernador ng Ilocos Sur na si Chavit Singson.  Pagdating naman nila sa Maynila ay meron silang customized Miss Universe bus na may sariling CR.  Pampered din sila kahit saan man sila magpunta dahil si Gov. Chavit ang sagot sa  lahat ng kanilang accommodations and food.
   
Sa lahat ng mga bansang pinagdausan ng Miss Universe ay dito lamang sila sa Pilipinas nakaranas ng ganitong treatment kaya ganoon na lamang ang kanilang pasasalamat sa businessman-politician na si G. Chavit na siya ring nag-commit ng $12-M na siyang kakailanganin to mount the Miss Universe pageant in any country.
   
Ngayon pa lamang ay sobrang impressed na ang mga organizers ng Miss Universe dahil sa warm accommodation na ibinibigay sa kanila na pinamumunuan ng Department of Tourism at ni G. Singson.
   
Ang Solar Films ang nakakuha ng TV rights ng 2016 Miss Universe pageant na nakatakdang ipalabas sa lahat ng TV networks sa Pilipinas.

DIREK TIKOY BACK IN PH AFTER FAMILY DILEMMA
   
ANG movie director na si Tikoy Aguiluz pala gumawa ng daan para mai-feature si Chavit Singson sa isang special docu para sa isang major TV network sa Japan, ang Asahi TV.
   
Kababalik lang ng Pilipinas si Direk Tikoy na mahigit isang taong namirmihan sa Amerika with her family dahil sa medical procedure na pinagdaanan ng isa sa kanilang anak na nagkaroon ng first stage breast cancer.  Sa awa ng Diyos ay nalampasan nito ang matinding pagsubok at balik ito sa India kung saan ito naka-base with her own family.
   
Ngayong nakabalik na si Direk Tikoy sa Pilipinas ay gusto niyang muling maging aktibo sa pagdidirek ng pelikula.